Her goal is to make her mom’s last days issue-free.

Lotlot de Leon’s wish is to give her mom, Superstar Nora Aunor, “the best” goodbye. In her words, “It’s the least we can do for her.”
PHOTO/S: Melba Llanera
Para kay Lotlot de Leon, anumang problemang napagdaanan ng kanilang pamilya ay hindi na dapat halungkatin ngayong ipinagluluksa nila ang pagpanaw ng inang si Nora Aunor.
Ang mahalaga ay naayos na rin ang lahat.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa ikatlong gabi ng lamay ni Nora sa Heritage Memorial Park, Taguig City, nitong nakaraang Sabado, April 19, 2025.
“Alam ninyo, para po sa inyong lahat, siya ang Superstar. Sa amin po, mommy namin siya, pamilya po kami.
“Di naman nawawala sa isang pamilya na nagkakaroon ng ganun. Lagi namang naayos kung anuman yung nagiging isyu.
“Di na importante at di dapat pa na pag-usapan ngayon.
“Ang importante ngayon, maibigay sa kanya yung parangal na nararapat para sa kanya.”
NORA AUNOR’S CONSTANT BILIN
Ano ba ang madalas ipayo at ibilin sa kanya ng ina bago ito pumanaw?
Sagot ni Lotlot: “Always be respectful.
“Kahit na sino pa ang kausap mo, maging magalang ka. Kagaya niya.
“Wala naman sa kanya yung estado sa buhay, lahat sa kanya, pantay-pantay.
“Whether mayaman ka o may kaya ka sa buhay or wala kang kaya, parehong respeto yung ibinibigay sa bawat isa.”
Bukas daw ang communication nilang mag-ina. At ang huling text sa kanya ay tungkol sa mga apo.
Ani Lotlot: “Si Mommy naman, laging nagbibilin, lagi naman niyang ipinapaalala sa amin na mahal niya kami, at ganun din naman kami sa kanya.
“Alam niya na isang tawag niya lang sa amin, na nandito kami para sa kanya, alam niya yun.
“Huli siyang nag-text sa akin, sabi niya, ‘Wag pababayaan ang mga bata, mag-focus ka sa mga bata.’”
LOTLOT DE LEON ON DAD CHRISTOPHER DE LEON
Dumalaw ang amang si Christopher de Leon nung ikalawang araw ng burol ni Nora.
Kumalat at nag-trend agad sa social media ang pagdating ng Drama King.
Sabi ni Lotlot, “Di ko maalis na dumating ang daddy namin dahil daddy namin siya.
“Naging asawa siya ng mommy namin, siyempre, he’s going to be here.
“Daddy naman will always have to support with everything, e, so, of course, he’s going to be here.
“Siyempre, gusto rin niyang makita ang mommy.”

Lotlot de Leon (R) hugs her dad Christopher de Leon (in white polo). Also in photo: Ian de Leon
Photo/s: Gorgy Rula
LOTLOT DE LEON’S WISH FOR MOM NORA AUNOR’S LAST DAYS
Magkasunod na namatay ang dati niyang biyenang si Pilita Corrales at ang inang si Nora Aunor.
Binawian ng buhay ang Asia’s Queen of Songs noong April 12, 2025.
Pumanaw ang Superstar makalipas ang apat na araw, noong April 16, Miyerkules Santo.
Ang paglalarawan ni Matet kay Lotlot: “Lustay na lustay na rin ng energy ng ate ko.”
Pero hindi ito iniinda ng panganay sa pamilya dahil mayroon siyang goal.
“Sa mga kapatid ko, lalo na sa pagmamahal ko kay Mommy, para maitawid namin na napakaganda at napakaayos nito para sa kanya.
“It’s the least we can do for her: to give her the best.
“Di ko kaya itong mag-isa, tulung-tulong kami magkakapatid, lahat kami nagtutulungan para mairaos nang maayos.
“Para kay Mommy, maibigay talaga yung pinakamaganda.”
Binigyan ng military salute ng mga sundalo ng Armed Forces of The Philippines ang labi ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts.
May nakapatong ding watawat ng Pilipinas sa kabaong nito.

Nora Aunor’s casket with honor guard changing by the hour
Photo/s: Jerry Olea
Ang sabi ni Lotlot, “She deserves it, she devoted her life, her craft to the public.
“Kaya rin sobra ang pagmamahal na ipinapakita ng Mommy ko sa lahat, lagi niyang sinasabi, ‘Anak, kung di dahil sa kanila, wala rin ako.’
“Kaya binabalik niya rin yung pagmamahal na yun sa lahat ng nagmamahal sa kanya.”
“Kami, we’re just grateful for everyone who’s here right now, nakikiramay, sending their love, showing their support para sa aming pamilya.
“Makikita naman sa dami ng tao kung paano rin na-touch ng mommy ko ang buhay ng bawat isa sa kanila, di ba.”
LOTLOT DE LEON: “Mom never had an issue with us.”
May mensahe ba siya na gustong iparating sa namayapang ina?
“Alam na ni Mommy yun, alam naman niya na mahal na mahal namin siya.
“Kahit ano naman, di naman nagbago ang pagmamahal namin sa kanya at siya sa amin.
“Wala namang kuwestiyon yun. Yung ibang tao lang ang nagbigay ng kulay at yung mga haka-haka ng iba.
“Kaya kung sa pananaw ng iba ay naging magulo ang relasyon namin, which is not true.
“Sa ngayon iwasan na muna natin yung mga ganun, walang isyu ngayon, walang issue at all.
“If ever we had an issue with Mommy, Mom never had an issue with us.
“Let’s just pray for her, and remember how bright a star she is to everyone.”
News
Ate Guy’s Final Wish: Coco Martin Shares Heartfelt Tribute as Fans Call for Statue to Honor Nora Aunor’s Legacy
The Philippine entertainment industry continues to mourn the loss of one of its most beloved icons, Nora Aunor, affectionately known…
SHOCKING TWIST! What REALLY Happened to Lyca Gairanod? The Truth Behind the First Voice Kids Champion Will Leave You SPEECHLESS!
From Glory to Struggles? Lyca Gairanod’s Real-Life Journey After The Voice Kids Victory Revealed Manila, Philippines – She once stood…
OMG! WILLIE REVILLAME BROKE DOWN ON LIVE VIDEO? The SHOCKING TRUTH Behind His Desperate Plea That’s Making the Nation CRY!
In a jaw-dropping turn of events, Willie Revillame, once hailed as one of the richest and most generous icons of…
OMG! THIS IS THE REAL TRUTH behind Louise Delos Reyes’ pregnancy! She CONFIRMED Xian Lim was the father?
In a stunning turn of events, actress Louise Delos Reyes has finally addressed swirling rumors about her pregnancy. With courage…
OMG… She Was Laid to Rest WITHOUT Her 3 Kids! WHY They Weren’t Buried Together Will BREAK YOUR HEART and Change How You See Grief Forever!
Sta. Maria, Bulacan — Isang napakabigat na tanawin ang nasilayan kahapon, Mayo 22, 2025, sa isang simpleng libing na tila…
Tragedy in Bulacan: Three Children Burned by Their Own Mother — Father Tears Up Upon Discovering Mother’s Last Heartbreaking Message.
Sta. Maria, Bulacan – A heart-wrenching tragedy has shaken the nation as a mother allegedly set her own home…
End of content
No more pages to load






