Whamos Cruz, nagpasalamat matapos siyang sumailalim sa operasyon

Si Whamos Cruz, ang kilalang content creator at vlogger, ay matagumpay na sumailalim sa isang operasyon para sa kanyang luslos. Ayon sa kanyang partner na si Antonette Gail, matagal na raw iniinda ni Whamos ang kanyang kondisyon—mula pa noong bata siya—at ngayon lamang ito napagdesisyunang ipagamot nang tuluyan.

Whamos Cruz, nagpasalamat matapos siyang sumailalim sa operasyonWhamos Cruz, nagpasalamat matapos siyang sumailalim sa operasyon (📷Whamoscruz/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Whamos sa lahat ng tumulong at nagpakita ng malasakit. “THANK YOU LORD😘 PAGALINGIN NYO PO AKO KAAGAD PARA MAKAPAG TRABAHO NAPO ULIT AKO❤️🙏🏻 THANK YOU PO SA LAHAT NG DOCTORS/NURSES NA NAG ALAGA SAKEN LALO NA SA MAHAL KONG ASAWA Antonette Gail,” saad niya. Dagdag pa niya, pinasalamatan din niya sina Jelai at Mommy, gayundin ang lahat ng nagpakita ng pag-aalala sa kanyang kalagayan.

Bukod sa update sa kanyang kalusugan, ibinahagi rin nina Whamos at Antonette sa isang vlog ang kanilang naging karanasan sa ospital—kasama na ang halagang umabot sa mahigit ₱400,000 para sa operasyon at hospital stay. Sa gitna ng pagpapatawa, nagbiro pa ang vlogger na sana’y “ibalik na lang daw ng doktor ang tinanggal” dahil sa laki ng gastos. Gayunpaman, mas mahalaga raw sa kanya na wala na ang matagal na niyang iniinda.

Si Antonette naman ay hindi bumitaw sa tabi ng kanyang mister at patuloy na nagbigay ng suporta, mula sa pre-op hanggang sa recovery. Makikita sa kanilang video ang pagpapatawa pa rin ng dalawa kahit nasa ospital, isang patunay sa matatag nilang relasyon sa gitna ng seryosong pangyayari.

Si Whamos Cruz ay isa sa mga sikat na social media personalities sa Pilipinas. Nakilala siya sa TikTok, YouTube, at Facebook dahil sa kanyang mga nakakatawang content, vlogs, at dance videos. Bukod sa pagiging influencer, kilala rin siya sa pagiging isang mapagmahal na partner kay Antonette Gail at hands-on dad sa kanilang anak.

Tulad ng maraming public figures, dumaraan din siya sa iba’t ibang pagsubok—mula sa kalusugan hanggang sa mga kontrobersya—ngunit nananatili siyang matatag at positibo sa kabila ng lahat.