Alynna opens up about Hajji Alejandro’s battle with cancer
Umalis na ang singer na si Alynna Velasquez mula sa tahanan ni Hajji Alejandro sa Antipolo City para hindi na raw sila magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan ng pamilya ng veteran singer.
Sumailalim sa operasyon si Hajji noong Pebrero 2025 dahil sa stage 4 colon cancer.
Si Alynna ang partner ni Hajji sa loob ng dalawampu’t pitong (27) taon.
Nakilala si Alynna noong 2000s dahil sa kanyang double-meaning songs gaya ng “Kahit Gaano Kalaki,” “Pasumpa-Sumpa Ka Pa,” “Hindi Na Masakit,” at “Pinuyat Mo Ako.”
Si Hajji naman ay tinaguriang original “Kilabot ng mga Kolehiyala” noong ’70s. Kabilang sa mga pinasikat niyang kanta ay “Kay Ganda ng Ating Musika,” “May Minamahal,” “Nakapagtataka,” “Tag-araw, Tag-ulan,” at “Panakip-Butas.”
Sa panayam sa kanya ni Julius Babao para sa Unplugged YouTube channel ng broadcaster na in-upload kahapon, Marso 20, 2025, ikinuwento ni Alynna ang mga nangyari tungkol sa relasyon nila ni Hajji.
HAJJI ALEJANDRO’S BATTLE WITH CANCER
Bago nagsalita si Alynna tungkol sa desisyon niyang umalis at dalhin ang lahat ng kanyang mga gamit mula sa bahay ni Hajji, nagkuwento muna siya tungkol sa karamdaman ng beteranong singer.
Ano ang naging reaksiyon ni Hajji nang malaman nitong may colon cancer siya?
Pagbabahagi ni Alynna: “I did not see any reaction from him.
“I think, knowing him for 27 years, he’s scared and ano siya, hindi pa siya makapaniwala.
“And I know in his heart, malalampasan niya iyon.
“Bigla lang talaga, e, naggo-golf siya. He does everything, he walks. Ako nga yung tamad, e.
“Healthy eating naman siya and, all of a sudden, that happened.
“Hindi siya umiyak, hindi siya umiyak, but I know isip siya nang isip.”
Hajji Alejandro and Alynna Velasquez during their guesting in ABS-CBN’s Magandang Buhay in 2017.
Photo/s: ABS-CBN YouTube
Ibinahagi rin ni Alynna ang mga kaganapan mula nang operahan si Hajji noong nakaraang buwan. Hindi niya idinetalye kung anong operasyon ang isinagawa sa singer.
Lahad niya: “From the operation, okay siya. He started to talk.
“After two, three days, he started to have some seizures and then we found out, nagkaroon siya ng infection, so na-rush siya sa ICU.
“And it took a while kasi they were trying to find out saan nanggagaling yung infection ‘coz it’s not from the operation, so somewhere else.
“Kaya nga restricted na rin yung ICU that time kasi baka kung saan nakukuha yung infection.
“And then finally, nalaman na nila. And then after a week, tinanggal na nila yung respirator and then he began to talk.
“And it was my birthday when I prayed. Sabi ko, ‘Lord, sana sa birthday ko nasa regular room na siya.’ And my prayer was answered.
“Nasa room na siya. Ngayon nagte-therapy na siya nang mga sumunod na araw.
“And today, he’s home.
“Meron na siyang walker kasi nag-aaral uli siya na galawin kasi nawalan na siya ng muscles. Talagang wala. He’s incapacitated.
“Pero ang ganda ng memory niya pa rin. Kuwento pa rin siya nang kuwento about things na we don’t remember anymore.”
ALYNNA BLAMED FOR LEAKED NEWS ABOUT HAJJI’S CONDITION
Nalaman ng publiko ang pagsubok sa kalusugan ni Hajji dahil sa kumalat na screenshot ng Facebook post mula sa isang grupo ng school alumni tungkol sa kalagayan ng mang-aawit at sa mga dasal na hinihiling nila.
The Facebook post asking for prayers for singer Hajji Alejandro.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ilang oras matapos maging viral ang Facebook post noong Pebrero 27, 2025, naglabas ng mensahe at babala si Alynna na “fake news” ang balitang kumakalat tungkol sa 70-year-old OPM icon.
“Stop sharing the post about Hajji. FAKE NEWS!!! Will unfriend careless people who post!!!” apela ni Alynna.
Sa pag-uusap nila ni Julius, itinanggi ni Alynna na siya ang naglabas sa media tungkol sa sakit ni Hajji. Pero ipinagtapat niyang siya ang nagsabi sa isang kaibigan ni Hajji.
Hindi umano ito nagustuhan ng pamilya ng beteranong singer at siya umano ang sinisisi sa pagkalat ng impormasyon tungkol sa pinagdadaanan ng karelasyon.
Saad ni Alynna: “I was blamed by the family.
“Not to the media but to the best friends of Hajji.
“Siyempre kritikal siya. The family wanted it to be private and I respect it.
“Pero nung naging kritikal si Hajji, I had to tell someone. I had to tell his best friends, so sinabi ko.
“Good intention naman yung best friend niya to tell San Beda Group, kasi San Beda si Hajji.
“Tapos naging viral and I was blamed for it. But sabi ko, ‘Look, everybody prayed…’
“And there was this video also na naging viral na yung mom [Hajji’s mother]…
“I took the video because I think it is a very special moment for Lola and Hajji. Hindi ko sila nakikitang ganoon, e.
“Actually, tulog lang si Hajji noon. Hindi siya critical. He was just resting tapos kinakantahan lang ni Lola.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“And then I shared it with the Alejandro family. I didn’t know that somebody from that group would share it to someone who has, of course, good intentions but to ask for prayers.
“So, naging viral na talaga siya.
“And so now, kahit bine-blame nila ako, I thank you all for sharing that video and for sharing yung nangyari kay Hajji.
“Because of your prayers, okay na okay na siya ngayon.”
ALYNNA LEAVES HAJJI’S HOUSE
Ibinahagi rin ni Alynna ang pasya niyang umalis mula sa tahanan ni Hajji sa Antipolo dahil sa hindi magandang pangyayari.
Saad ni Alynna: “I felt na parang mas gusto nila to take care of him.
“Kasi 27 years akong partner ni Hajji. I have things to say. I have things to share. Parang nagko-conflict kami sa opinyon ng isa’t isa.
“So that Sunday, something happened. Something not good happened and then I apologized for whatever I said.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“But I just got hurt and I feel like… Hajji has been my partner for 27 years, I think that kilalang-kilala ko na siya.
“But now, putting myself in the shoes of the children, inisip ko na kung ako din yon, mas gugustuhin ko na kasama ko ang tatay ko kasi pamilya siya.”
Dagdag pa ni Alynna: “I am not a wife, I am just a girlfriend.
“So, I think, kung technical ang pag-uusapan, the family has all the right to have him, to be with him.
“So, you know, nag-back out ako. Kapag kailangan nila ako, I’ll just be around.
“So, right now, I just want to go back to work and catch up.”
Pinaalis ba siya o sariling desisyon niya ang pag-alis?
Sagot ni Alynna: “They didn’t say anything but I felt that I have to do it para makaano… kasi nag-hire na ng private nurse, e.
“So, parang wala na akong gagawin dun.
“Alam ni Hajji [ang pag-alis ko], but siyempre wala siyang masasabi for now, lahat nang ito biglaan.
“Hindi naman namin pinraktis na kung magkasakit siya, anong gagawin natin? Walang ganoon, e.
“Kung magkalabuan tayo, anong gagawin natin? Kung ni-reject ka ng family, anong gagawin natin?
“Walang praktis lahat ito so I just have to… well, ako, sabi ko, I just followed my heart.
“Umalis na lang ako para maka… they would be able to take care of him na walang kontra-kontra.”
Hanggang ngayon daw ay wala silang komunikasyon ni Hajji sa isa’t isa.
News
Kyline Alcantara BUMAWI ng 3M Luxury Car Kay Kobe Paras — Lahat Nangyari Matapos ang Biglaang Hiwalayan!
🔥KYLINE ALCANTARA BINAWI ANG ₱3M BAGONG SASAKYAN NA IBINIGAY KAY KOBE PARAS MATAPOS ANG RELASYON NILA! Isang eksplosibong rebelasyon ang yumanig sa…
EXCLUSIVE: Lotlot and Ian De Leon Retrieve Nora Aunor’s Belongings Amidst John Rendez Controversy – Will He Speak Out?
In the wake of the passing of Philippine cinema icon Nora Aunor, a new controversy has emerged involving her adopted…
EXCLUSIVE: Ruby Ruiz Opens Up About Past Conflict with Nora Aunor in Candid Interview
In a recent interview with PEP Exclusives, veteran actress Ruby Ruiz shared a surprising anecdote about a past disagreement with…
EXCLUSIVE: From Silver Screen to Sacred Silence — Alicia Alonzo Embraces Life as a Nun in a Monastery
In a surprising turn of events, veteran Filipina actress Alicia Alonzo, known off-screen as Germelina Viana Hernandez, has chosen a…
Pauleen Luna at Danica Sotto Full Support sa Pangangampanya ni Vico Sotto | Mayor Vico Sotto
In the heat of the Philippine local election season, a powerful moment of unity and family pride has taken center…
BREAKING NEWS: Isinapubliko ni Nora Aunor ang Kanyang Huling Habilin — Lumalabas na Iniwan Niya ang Kanyang Malaking Mana kay Ian de Leon Dahil Dito
A huge revelation shook the showbiz world after news broke that Superstar Nora Aunor, in her official last will and…
End of content
No more pages to load