Benhur ‘di binayaran si Vice

ABALOS

Nagka-crack nga ang boses ni Atty. Abalos nang matanong namin siya tungkol doon nang humarap siya sa media sa 38 Valencia Events Place ng Regal Entertainment, Inc.

Sey ni Atty. Abalos, hindi raw niya alam na gagawin iyon ni Meme Vice. Kusa raw talaga ang ginawang iyon ng ‘It’s Showtime’ host.

At siyempre sobrang touched si Atty. Abalos dahil talagang sobrang na-promote siya dahil milyon-milyon daw ang followers ni Meme Vice, ha!

Sayang nga lang at mukhang pinigilan ni Atty. Abalos ang maiyak nang magpasalamat siya kay Vice.

Anyway, sobrang touched din si Senatoriable Benhur sa tulong sa kanya ng mag-inang Roselle at Keith Monteverde at pina-presscon pa siya, ha!

Sumalang nga rin pala sa pa-presscon ng Regal ang veteran actress na si Boots Anson-Roa at ibinidang noon pa naman tumutulong sa movie industry si Atty. Abalos.

Nangako naman si Atty. Abalos na marami siyang isusulong na batas para makatulong sa movie and TV industry kung papalarin siyang manalong Senator.