Ama ng 4 taong gulang na nasawi sa NAIA tragedy, emosyonal na humingi ng hustisya

Nagsalita na ang ama ng apat na taong gulang na nasawi sa NAIA terminal 1 tragedy.

Danmark MasongsongAma ng 4 taong gulang na nasawi sa NAIA tragedy, emosyonal na humarap sa media (One PH)
Source: Facebook

Sa video ng ibinahagi ng One PH, nakilala ang ama na si Danmark Masongsong.Sa video ng ibinahagi ng One PH, nakilala ang ama na si Danmark Masongsong.

Aniya, mahal na mahal niya ang anak at aminadong hindi niya matanggap ang nangyari.

“Napakahirap po sa’kin. Napakasakit po sa pamilya namin ang nangyari. Lalong lalo na anak ko po yun, mahal na mahal ko po yun. Hindi ko po tanggang ang nangyari.”

“Buong Pilipinas po ang nakasaksi sa nangyari sa anak ko. HIndi ko po kaya. kaya po ako nagsasalita rito para mailabas ko yung nararamdaman ko. Gusto ko lang kasi ng kausap kasi talagang mahal na mahal ko yung anak ko.”

Ang masaklap pa umano sa nangyari, wala pa umanong kaalam-alam ang misis niyang nasa ospital pa sa sinapit ng kanilang anak. Isa rin ang kanyang misis sa mga biktima ng umano’y pag-araro ng isang SUV sa harap ng NAIA terminal 1.

“Alagang-alaga ko po ‘yan, lalong-lalo na ng aking asawa. Hindi pa po niya alam na wala na ang anak ko.”

“Talagang mahal na mahal ko po ‘yan. Kaya po ako nag-iibang bansa para po sa kanilang dalawa tapos ganun ang mangyayari.”

Humingi rin ng tulong si Danmark na umano’y mapanagot ang driver ng SUV sa sinapit ng kanyang anak.

“Sana po ay tulungan niyo akong managot yung bumangga sa anak ko. Mananagot po ‘dun. Tulungan niyo po ako.”

“Atin pong gobyerno, tulungan niyo po akong mapangutan ito. Sana po ay hindi siya makapagpiyansa”

 

Mayo 4 nang gumulantang sa publiko ang balitang isang SUV ang umararo sa harap ng NAIA terminal 1. Ilang video ang nailabas kung saan makikita ang iba’t ibang anggulo ng pangyayari. Dahil dito, nasawi ang apat na taong na batang babae na naghatid lamang sa kanyang ama. Nadala naman sa ospital at lola nito na nahagip din ‘di umano ng nasabing sasakyan.

Samantala, Matatandaang kamakailan lamang, isa ring trahedya ang naganap sa SCTEX kung saan mag-asawa ang nasawi subalit nakaligtas ang kanilang dalawang taong gulang na anak. Nadurog ang puso ng marami nang malamang hinahanap pa rin ng anak ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina. Magbabakasyon lang sana sa Baguio ang mag-anak nang maganap ang malagim na trahedya.

Tinatayang 12 ang nasawi sa karambola ng 3 SUV, isang container truck at isang Solid North na pampasaherong bus sa SCTEX habang 28 naman ang lubhang nasugatan. Sinasabing umamin ang driver ng pampasaherong bus na siya ay nakaidlip. Dahil dito, marami ang nagdadalamhati at naulila ng mga nasawi sa nasabing nangyari. Pinatawan na ng 30 araw na suspensyon ng LTFRB ang buong fleet ng Pangasinan Solid North kaugnay sa nangyaring trahedya sa SCTEX.