
Ipinagtanggol ni Lotlot de Leon ang nakababatang kapatid na si Ian de Leon sa isyung kinasasangkutan nito at ng kanilang ina na si Nora Aunor.
Hindi napigilang mag-react ni Lotlot nang banggitin ng isang netizen na hindi sinipot ni Ian ang birthday party na inorganisa ni Nora para sa anak na aktor noong weekend.
Noong December 11, 2020, mismong ika-45 kaarawan ni Ian, may plinanong birthday party si Nora para kay Ian.
Dalawang oras bago ang selebrasyon, nag-message si Ian sa ina upang sabihing hindi na siya makakadalo dahil inatake umano siya ng gout.
Nasaktan daw ang Superstar sa ginawa ni Ian, ayon sa kuwento ng writer at close friend ni Nora na si Rodel Fernando.
Napurnada kasi ang dapat sana’y pagkikita at pagbabati ng mag-ina matapos ang matagal na panahong tampuhan.
LOTLOT: “PURO KASINUNGALINGAN NA LANG BINABATO”
Noong Biyernes ay nag-post si Lotlot sa Instagram ng birthday greeting kay Ian.
Kalakip ntio ang ilang throwback photos nila ni Ian noong mga bata pa sila.
Si Ian ang nag-iisang biological son ni Nora at ng dati niyang asawa na si Christopher de Leon.
Bago pa man isilang si Ian ay in-adopt na ni Nora si Lotlot.
Pagkasilang kay Ian ay nag-ampon pa ng tatlo ang Superstar—sina Matet, Kiko, at Kenneth.

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing sana raw ay makadalo rin si Lotlot kung sakaling matuloy ang pagkikita nina Ian at Nora.
Katulad ng relasyon ni Ian sa kanyang ina, hindi lingid sa showbiz na matagal na ring nagkakatampuhan sina Lotlot at Nora.
Sumagot ang isa pang netizen, na tila updated tungkol sa hindi pagsipot ni Ian sa inihandang birthday celebration para sa kanya ni Nora.
Sabi ng netizen: “hindi nga nagpunta si Ian pinaghanda pa naman ng kanyang ina hindi siya sumipot [crying face emoji]”

Base sa sagot ni Lotlot, mahihinuhang malalim ang kanyang hugot tungkol sa nasulat na hindi pagsipot ni Ian sa birthday party na inihanda ng kanilang ina.
Halatang hindi nagustuhan ni Lotlot ang panghuhusga ng iba tungkol sa isyu kahit hindi alam ng mga ito ang rason ni Ian.
Tinawag pang “kasinungalingan” ni Lotlot ang panig ng mga nagtatanggol sa veteran actress.
Sagot ni Lotlot (published as is): “yan po ang problema, May nabasa lang kayo at isang panig lang narinig nyo nanghuhusga kayo agad..
“nakapanig na po kayo agad ni hindi nyo alam ang mga totoong nangyayare.. wag po ganun.. puro na lang kasinugalingan ang binabato..”

Kasunod din ng isyung ito, nag-post sina Lotlot at Matet ng mga larawan kasama si Ian upang ipahayag ang pagmamahal nila sa kapatid.


ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
IAN AIRS HIS SIDE
Kahapon, December 13, sa pamamagitan ng isang YouTube video, nagsalita si Ian upang isiwalat ang aniya’y “bitter truth” kung bakit hindi siya sumipot sa birthday party na inorganisa ng ina para sa kanya.
Kuwento ni Ian, nakapag-usap na sila ng ina sa telepono bago pa man mangyari ang birthday party.
Lahad ni Ian, nagkapatawaran na silang mag-ina sa pag-uusap nilang iyon.
Ikinatuwa raw ni Ian ang planong birthday party ng ina para sa kanya, na huli niyang naranasan noong bata pa siya.
Sa 38-minute video ni Ian, nabanggit niyang nawalan siya ng gana nang mag-message ang ina kung pwede nitong ilabas sa vlog ang pagbabati nila sa telepono.
Mahihinuhang hindi sinasang-ayunan ni Ian na maisapubliko pa ang pagbabati nila ng inang si Nora, na may pelikulang ipinu-promote para sa Metro Manila Film Festival 2020, ang Isa pang Bahaghari.
Bagamat hindi direkta, tila nais ipahiwatig ni Ian na ayaw niyang magamit ang pagbabati nila para sa publicity.
“This hypocrisy has to end,” sambit pa ni Ian.
Bukod dito, may gusto rin daw papuntahing isang tao si Nora sa birthday party na inihanda nito para kay Ian.
Pero tumanggi si Ian. Sabi nito sa ina, “Sorry, Ma, I don’t think na magiging comfortable kami.”
Makailang ulit sinabi ni Ian na gusto niyang magkita-kita sila ng ina nang walang ibang tao at walang camera.
Wala mang binanggit na pangalan si Ian, malaki ang posibilidad na ang tinutukoy niyang tao ay ang long-time companion ni Nora na si John Rendez.
Iginiit din ni Ian ang pagmamahal sa ina, pero ang kailangan daw nila ay ang Nora Cabaltera Villamayor na kanilang ina, at hindi ang artistang si Nora Aunor.
Ang gagawing birthday celebration sana ni Ian ay nagmistulang advanced holiday party para sa mga fans at kaibigan ni Nora.
Dumalo rin dito ang anak ni Nora na si Kenneth at asawa nitong si Sam.
Samantala, ngayong araw, December 14, inilabas sa YouTube channel ni Nora ang nangyaring kasiyahan noong Biyernes.
News
Ate Guy’s Final Wish: Coco Martin Shares Heartfelt Tribute as Fans Call for Statue to Honor Nora Aunor’s Legacy
The Philippine entertainment industry continues to mourn the loss of one of its most beloved icons, Nora Aunor, affectionately known…
SHOCKING TWIST! What REALLY Happened to Lyca Gairanod? The Truth Behind the First Voice Kids Champion Will Leave You SPEECHLESS!
From Glory to Struggles? Lyca Gairanod’s Real-Life Journey After The Voice Kids Victory Revealed Manila, Philippines – She once stood…
OMG! WILLIE REVILLAME BROKE DOWN ON LIVE VIDEO? The SHOCKING TRUTH Behind His Desperate Plea That’s Making the Nation CRY!
In a jaw-dropping turn of events, Willie Revillame, once hailed as one of the richest and most generous icons of…
OMG! THIS IS THE REAL TRUTH behind Louise Delos Reyes’ pregnancy! She CONFIRMED Xian Lim was the father?
In a stunning turn of events, actress Louise Delos Reyes has finally addressed swirling rumors about her pregnancy. With courage…
OMG… She Was Laid to Rest WITHOUT Her 3 Kids! WHY They Weren’t Buried Together Will BREAK YOUR HEART and Change How You See Grief Forever!
Sta. Maria, Bulacan — Isang napakabigat na tanawin ang nasilayan kahapon, Mayo 22, 2025, sa isang simpleng libing na tila…
Tragedy in Bulacan: Three Children Burned by Their Own Mother — Father Tears Up Upon Discovering Mother’s Last Heartbreaking Message.
Sta. Maria, Bulacan – A heart-wrenching tragedy has shaken the nation as a mother allegedly set her own home…
End of content
No more pages to load






