Marjorie nakaranas daw ng physical abuse kay Dennis: Nawala ang eardrum ko

Dennis Padilla at Marjorie Barretto
PASABOG ang mga rebelasyon ni Marjorie Barretto sa panayam sa kanya ng talent manager at host na si Ogie Diaz para sa kanyang YouTube channel.
Bukod sa naging paliwanag niya tungkol sa kontrobersyal na kasal ng anak nila ni Dennis Padilla na si Claudia Barretto ay may mga ni-reveal din ang aktres about her former partner.
Pagkatapos magsalita at maglabas si Dennis ng sama ng loob hinggil sa pambabalewala umano sa kanya sa wedding ni Claudia at Basti Lorenzo, ay lumantad na rin si Marjorie para madinig naman ang kanyang panig.
Isa nga sa mga naikuwento ng nanay nina Claudia, Leon at Julia Barretto ay ang pagiging “physically abusive” umano ni Dennis noong nagsasama pa sila ilang taon na ngayon ang nakararaan.
“He was physically abusive to me. I’ve been quiet for 18 years, but he was physically abusive.
“Nakakatawa siya sa tao pero he’s the opposite. Konting bagay lang manununtok na yan or mananampal na yan. My kids saw that,” ang bahagi ng pahayag ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, “The biggest physical abuse to me was when Julia was a few days old, kakapanganak ko pa lang sa kanya. Galit siya sa ‘kin. Parang I complained about something…I don’t know why I’m telling you this. I never spoke about this…
“Naglalakad ako papasok ng kwarto. From the back, ang laking tao ni Dennis, ha and he hit me so hard in my ear. Lumipad talaga ako, kasi hindi ka nakailag, eh, di ba? Talagang nawala ang eardrum ko. And Julia
“Na-surgery yun kasi nga sa sobrang impact. They had to recreate an eardrum. Dennis has an explosive temper,” aniya pa.
Inihayag din ni Marjorie kung bakit ayaw niyang makita o makasama ang ama ng kanyang mga anak, “Maangas ka, Dennis. Hindi ka mabuti sa akin.
“Hindi mo kayang mag-pretend para sa mga bata. Paano ka namin isasama ng mga bata? Tension ang dala mo eh. Bakit ang galit mo sa akin sobra-sobra. Naging mabuti ka bang asawa sa akin?” aniya pa.
News
Ian De Leon, May Malungkot Na Tribute Para Sa Inang Si Nora Aunor
Noong Miyerkules, Abril 16, 2025, pumanaw ang “Superstar” ng Philippine cinema na si Nora Aunor sa edad na 71. Ang…
BREAKING NEWS: Nora Aunor Admitted This to Tirso Cruz III, Shocking Him 😱😱
Isang rebelasyong hindi inaasahan ang bumulabog sa showbiz world matapos ibunyag ni Nora Aunor ang isang matagal nang lihim kay Tirso…
🌟 Tears, Memories, and a Mysterious Homecoming: Lotlot de Leon and Nora Aunor Revisit the Valencia Mansion—What Are They Really Planning? 😮
A wave of nostalgia swept across social media as Lotlot de Leon and her legendary mother Nora Aunor—lovingly known as…
Isang Sampal na Yumanig sa Showbiz! Gretchen Barretto, Pinatamaan si Julia sa Harap ng Lahat — Ano ang Nagpainit ng Ulo ng Tita?
Barretto family feud, muling sumabog—at sa pagkakataong ito, literal ang naging sagot ni Gretchen! Isang eksena na tila hango sa…
Dito Pala Nanggagaling ang Hinanakit ni Matet de Leon kay Nora Aunor!
Ang tahimik na sugat ng anak, at ang katahimikan ng Superstar na ina. Sa likod ng mga spotlight, award, at…
Kayamanan o Kapalit? Kris Aquino’s Massive Wealth Raises Questions About Her Battle for Health
Mula sa pagiging anak ng mga bantog na pulitiko hanggang sa pagiging reyna ng mga talk shows at komersyal, si Kris…
End of content
No more pages to load