Hindi napigilan ng aktor na si Tom Rodriguez ang sumagot sa komento ng isang netizen tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.
Kasalukuyang nasa Arizona, USA si Tom Rodriguez kasama ang kanyang pamilya. Tila wala pa sa isip nito na bumalik sa Pilipinas.
Makalipas ang mahigit isang buwang pananahimik, muling nagpost ang Kapuso actor sa kanyang Instagram. Noong weekend muling nagbahagi ng post si Tom kung saan makikita siyang tumutugtog ng piano sa isang awitin ni John Mayer. Kasunod nito, ibinahagi naman niya ang isang video clip kung saan makikita siyang nasa veranda habang tinatanaw ang magandang tanawin.
Sa comment section ng post ni Tom, makikita ang ilang komentong nagsasaad na namimiss na nila ang aktor at may ilan pa rin mga fans na umaasang magkakabalikan sila ni Carla Abellana. Hiling naman ng iba na kung sakaling hindi na talaga maibabalik ang kanilang pagmamahalan, sana naman umano ay mapapanatili nila ang kanilang friendship.
Samantala, may mga netizens rin na nambabatikos kay Tom. Tila ipinupunto nito na isa sa kanila ni Carla ang hindi nakakalimot at hindi marunong magpatawad. Inalmahan naman ito ni Tom at pinagsabihang hindi kailangan ng mundo ng pagpapahiya sa iba. Dagdag pa ni Tom, “Let’s cultivate some positive vibes.”
Nagreact naman at nagkomento ang isang netizen at sinabing hindi umano ito kasalanan ng babae kundi sa machism ng lalaki. Tila ipinunto rin nito na biktima lamang din si Carla. Bwelta naman ni Tom, “Naliligaw po ata kayo with your soapbox, speaking of the other people’s lives who’s contexts you know none of… perhaps you can tend to cleaning your own room instead??”
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load