Why Ruby Ruiz declined offer to be Nora Aunor’s PA

Ruby also reveals reason why Nora Aunor wanted to be a National Artist.

Ruby Ruiz grew close to Nora Aunor during the filming of Thy Womb, which was released in 2012

Ruby Ruiz (main) grew close to Nora Aunor (inset) during the filming of Thy Womb, a film released in 2012.
PHOTO/S: Jerry Olea; PR (inset)

Ang unang pelikula ni Ruby Ruiz ay ang 1980 drama na Bona, kung saan gumanap siya bilang nakababatang kapatid ni National Artist Nora Aunor.

Ang direktor ng pelikula ay si National Artist Lino Brocka, na handpicked niya mismo si Ruby for the role dahil may hawig ito sa Superstar.

a scene from bona

A scene from Bona shows Nora Aunor in tears, flanked by Ruby Ruiz on her right and Rustica Carpio on her left.

Nagsama ulit sina Nora at Ruby sa dalawa pang pelikula—ang Thy Womb ( 2012), na nag-shooting sa Tawi-tawi, at Taklub (2015), na tungkol sa survivors ng super typhoon Yolanda.

Parehong idinirek ang mga ito ni Brillante Mendoza.

 

RUBY RUIZ UNWITTINGLY BECOMES NORA AUNOR’S “PA”

Naging super close sina Nora at Ruby sa shooting ng Thy Womb.

Pagbabalik-tanaw ni Ruby: “Lagi niya akong kasama. Naging close na ako.

“Dahil ganun, pinangatawanan ko na—na parang PA [production assistant] niya ako.

“So ako ang nag-aabot ng ano [kailangan] niya. So siguro, dahil artista ako, alam ko ang pangangailangan.

“‘Eto ang tsinelas, o, bilis!’ Pagkaahon sa ano, may nakaabot na agad akong tsinelas.

“Tuwang-tuwa siya sa akin. Tapos yun nga, sabi niya, ‘Puwede bang sa akin ka na lang?’

“‘Saan?’ sabi kong ganun.

“‘Kukunin kitang P.A.’

“‘Hindi puwede, Ate Guy.’

“‘Bakit? Ayaw mo ba ako? Hindi mo ba ako mahal?’

“‘Ate Guy, pangarap kong maging ikaw, e!’”

Tawa raw nang tawa si Nora, at supportive naman daw ang naging reaksiyon niya: “Puwede, puwede, puwede!”

It will take seven years bago mabigyan ng lead role si Ruby.

Taong 2019 noong naging bida si Ruby sa Cinemalaya Film Festival entry na Iska, na siya ring nagbigay sa kanya ng first Best Actress trophy. Siya ay 58 years old at the time.

Para sa kanyang pagganap sa pelikulang Iska, nanalo bilang Best Actress si Ruby Ruiz sa Cinemalaya Film Festival noong 2019 at sa Harlem International Film Festival sa New York City noong 2020.

Para sa kanyang pagganap sa pelikulang Iska, nanalo bilang Best Actress si Ruby Ruiz sa Cinemalaya Film Festival noong 2019 at sa Harlem International Film Festival sa New York City noong 2020. 
Photo/s: @rubyruizzz on Instagram

Taong 2024 nung napanood siya sa Expats, isang drama series sa Amazon Prime Video tampok ang Academy winner na si Nicole Kidman.

 

Ruby Ruiz with Expats lead star Nicole Kidman

Ruby Ruiz with Expats lead star Nicole Kidman 
Photo/s: @rubyruizzz on Instagram

NORA AUNOR’S EYES

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruby nitong Abril 19, 2025, Black Saturday, sa wake ni Nora sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Sa isang boat ride sa shooting ng Taklub, nagkahiwalay sina Nora at Ruby.

Paggunita ni Ruby, “So parang nauuna yung ano [boat] niya. Sabi niya, ‘Nasaan si Ruby?’ E, nakasakay na ako. Doon siya sa kabilang boat. Pupunta kami sa next location.

“Nung tinitingnan ko siya kung saan ako nakasakay, lahat kami nun, maiitim dahil ang init, e.

“Alam mo, yung mata niya talaga, para siyang transluscent.

“Sabi ko, ‘Ate Guy, ba’t ganyan yung mata mo, nakakatakot, para kang ano. Parang pusa!’

“Sabi niya, ‘Ikaw naman, hindi naman pusa,’ sabi niyang ganun.

“‘Virgin Mary, ayun!’ sabi kong ganun.

“‘Pasensiya ka na, hindi ako ano. Ang ibig kong sabihin, para kang may contact lens na from afar, talagang angat na angat ka!’

“It’s really her eyes that speak a lot. Sa kanya talaga yung ano, e, yung eye—the window to your soul.”

NORA AUNOR’S WISH TO BECOME A NATIONAL ARTIST

Ilang beses naudlot noon ang pagkilala kay Nora bilang Pambansang Alagad ng Sining.

“Iyan din, nabanggit niya sa akin iyan, Thy Womb pa lang,” pagsisiwalat ni Ruby.

“Pangarap niya na maging ano… it’s really her dream.”

Tinanong daw ni Ruby kung bakit parang ultimate dream ng Superstar na maging national artist.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Ruby. “‘Tapos sabi niya, ‘Para pag namatay ako, wala nang poproblemahin ang mga maiiwan ko.’”

Taong 2022 nung kilalanin si Nora bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.

Kaya nung nakarating sa character actress ang balita tungkol sa kritikal na kundisyon ni Nora, aniya: “Naano ako. Yun ang una kong naisip nung nasabing nag-flatline na nung kausap kong artista na mas close sa kanya…

“Sabi kong ganun, ‘Sabihin niyo kay Balot [Lotlot de Leon] na tawagan…’

“I’m sure may contact sila sa NCCA or what, na yun nga, ganun ang nangyari para they will take care of everything.

“Kasi parang namroblema yung artista, paano yung ano niyan, asikasuhin iyon, sino pa ang mga tutulong, ganun yung concern nung artistang iyon.

“Tapos sabi ko, ‘Alam ko, hindi, ano, sagot lahat iyan ng ano [NCAA]. At saka merong mga kung anu-anong mga ganyan,’ yung merong guard, ganyan.

“At saka alam ko, Libingan ng mga Bayani iyon.”

Sa huli, masaya si Ruby na natupad ang kagustuhan ni Nora.

Aniya, “Iyon, kaya happy ako na, at least, in this lifetime, kahit hanggang sa huling sandali niya, isa sa pinakamatayog niyang pangarap ay natupad.”

Sa Martes, Abril 22, dadalhin ang mga labi ng Superstar sa Manila Metropolitan Theatre.

Mula 8:30 hanggang 11:00 A.M. ang State Necrological Services, kung saan kabilang sa mga magsasalita sa programa sina Direk Joel Lamangan, Charo Santos-Concio, at National Artist Ricky Lee.

Inaasahan ang pagdalo rito ng iba pang mga buhay na Pambansang Alagad ng Sining.