Nagbigay na pahayag ang aktor na si Paolo Contis patungkol sa hindi niya pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.
Matatandaang sa naging panayam noon ni Boy Abunda kay Paolo Contis, diretsahan niyang inamin na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kay Lian Paz at maging sa anak nila ni LJ Reyes.
“Doon sa sustento issue, I don’t give, I have my reasons why, bu I’m saving for them,” pagpapahayag noon ni Paolo Contis.
Dahil dito, tumanggap ng samu’t-saring pambabatikos si Paolo Contis kung saan tinatawag siyang iresponsableng ama. Lalo pa noong ibinahagi ni Lian Paz ang kanyang paghihirap noon para makapag-provide sa pangangailangan ng mga anak nila ni Paolo Contis.
Samantala, tila naniniwala naman si Paolo Contis na darating din ang panahon na mapapatawad siya ng kanyang mga anak lalo na sa mga anak nila ni Lian Paz.
May mga savings na rin naman siya para sa mga ito na ibibigay niya sa iisang bagsakan lamang. Ayaw na rin umano niyang isiwalat ang dahilan kung bakit hindi siya nagbibigay ng sustento noon pa man sa kanyang mga anak dahil ayaw na rin niyang lumaki pa ang isyu.
Sa ngayon ay aminado si Paolo Contis na hindi magiging madali para sa kanya na mapalapit muli sa kanyang mga anak dahil matagal na niyang hindi nakakasama ang mga ito lalo na sina Xonia at Xalene.
Sa kabilang banda, isiniwalat na noon ni LJ Reyes ang kagustuhan ng kanyang mga anak na palitan na ang kanilang apilyedo at hindi na gamitin pa ang apilyedo ng kanilang ama.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load