Nora Aunor reflects on failed marriage to Christopher de Leon
“Kung hindi naging matigas ang ulo ko noon, hindi sana kami naghiwalay.”
In a recent conversation with Superstar Nora Aunor, she admitted that her “matigas na ulo” was partly to blame for the breakdown of her marriage to actor Christopher de Leon.
PHOTO/S: Noel Orsal
Muling bumisita ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng TV5 mini-serye na Sa Ngalan ng Ina last Wednesday, September 7, 2011.
At muli ay na-interview namin ang bida ng drama series na si Nora Aunor.
Nasa Taal, Batangas sina Nora at co-actors, with Direk Mario O’Hara and staff, mula August 22 hanggang September 2.
Nasa Bosoboso, Antipolo City sila noong September 5.
Nag-shoot din ang cast and crew sa Salve Regina General Hospital sa Marikina City buong araw at hanggang past midnight noong September 8.
Maaga ang call time ni Ate Guy (nickname ni Nora) kaya mas maaga siyang nakauwi, bago naghatinggabi.
Mga eksena nila nina Alwyn Uytingco at Edgar Allan Guzman ang karamihang kinunan.
Pero mayroon ding mga eksena sina Nora at ang anak niyang si Ian de Leon, na nadatnan ng PEP bandang hapon na nakikipagkulitan sa kanyang mommy.
Before dinner break ay nauna naming in-interview si Ian, with Ate Guy na may ibang kausap, in the same room.
Pero puro rin tungkol kina Nora at Christopher de Leon, Ian’s dad, ang binabanggit ng huli.
At one point, natutuwang na-mention ni Nora na crush ng anak niyang si Ian, noong bata pa ito, si Lorna Tolentino.
Nabanggit kasi sa usapan na lilipat na sa TV5 si Lorna.
“Napakabata pa niya [Ian] noon, pero may crush na,” natutuwang pagbabalik-tanaw ng Superstar.
Isip-isip din daw niya noon, “Yung anak ko, ibang artista ang gusto!”
Pero panay naman ang “bawi” ni Ian sa kanyang mommy.
Like, ipaparinig talaga kay Ate Guy, “Kay Mommy ako. Loyalista ako, e!” Or, “I’m proud of both my parents…’”
Tungkol sa pagiging “makulit” like his dad, sabi naman ni Ian, “Hindi ako nagtataka kung saan ko nakukuha yung mga kakulitan ko… Si Mommy, ayan, mahal na mahal ko!”
At tumawa nang malakas ang anak ni Guy.
Natatawa na lang si Nora, who was pleased with Ian’s words.
“Alam ko yun. Di na kailangang sabihin yun. Nararamdaman naman, e.”
NORA AUNOR ON CHRISTOPHER DE LEON
Sa SNNI taping sa Bosoboso, Antipolo City, the previous day, September 5, marami namang eksenang kinunan kina Nora at Christopher.
Magkatuwang uli ang mga unit directors and technical staff nina Mario O’Hara at Jon Red that day.
Napaka-professional nina Nora and Boyet. Gamay na gamay nila ang dapat gawin sa set,
Sa personal na aspeto, nabanggit din ni Nora na maski naghiwalay sila noon, nanatiling maganda ang kanilang friendship.
“Malaki ang sakripisyo niyan sa akin,” banggit ni Ate Guy, in the presence of Ian.
“Kasalanan ko rin, e. Aminado ako. Kung hindi naging matigas ang ulo ko noon, hindi sana kami naghiwalay.”
Pero nangingiti si Nora kapag may naaalala during those years na separated na raw sila ni Boyet, pero, “Nagde-date pa rin kami!”
Ang kuwento ni Guy: “Idini-date niya ako, kahit hiwalay na kami.
“Ikinukuwento niya sa akin yung mga nililigawan niya, at sinasabi ko rin yung mga nanliligaw noon sa akin.”
NORA AUNOR, HAPPY WITH TV5
Samantala, sa maganda at maayos na pagtrato sa kanya ng TV5 ay walang dahilan para hindi maging masaya si Nora.
Very vocal nga siya sa pagsasabi nito, each time na may nakakausap na taga-media, tulad ng PEP.
“Ibang klase silang mag-alaga,” banggit ni Nora, na lalong natutuwa kapag may inihahanda sa kanyang special dishes, tulad ng Bicol express at ginataang santol, na paborito talaga niya.
NORA AUNOR’S FIRST BOLD ROLE
Ano pa ang gusto niyang roles na gampanan?
“As usual, bold!” wika ni Ate Guy sa kanyang nakagawiang pagbibiro.
“Pero hindi niyo alam, ako ang unang-unang nag-bold—sa Banaue!”
Ang Banaue (1975) ay ang klasikong pelikula ng National Artist for Film na si Gerry de Leon. Ito ang unang pagtatambal nina Nora at Christopher.
“Buhok ko lang ang nakatakip [sa dibdib]. Ako ang unang nag-bold!” biro pa ni Ate Guy, referring to her costume in the epic masterpiece about the legend of the world-famous Banaue Rice Terraces in Ifugao.
YUL SERVO AND OTHER GUESTS
Bukod sa press na nag-i-interview, may mga male celebrities din mula sa TV5 ang bumisita sa set ng Sa Ngalan ng Ina para sandaling makausap si Nora Aunor.
Nakita namin si Manila Councilor Yul Servo, na nakapareha ni Ate Guy sa pelikulang Naglalayag (2004).
Kasamang bumisita ni Yul ang co-star niya sa Bangis, ang young actor na si Rodjun Cruz.
Early evening nang dumating sina Yul at Rodjun.
“Ate Guy, magpupugay daw sa iyo,” sabi ni Ms. Jo-Ann Banaga, supervising producer ng Sa Ngalan ng Ina at Bangis.
Tuwang-tuwa si Ate Guy pagkakita kay Yul. Ipinakilala nito sa kanya si Rodjun at sandali silang nagkumustahan, nag-picture-picture.
Fun fact: si Rodjun ay pamangkin ni Tirso Cruz III, na dating ka-love team at karelasyon ni Nora.
Sabi ni Nora about Yul, “Naku, naniningkit pa rin ang mga mata niya. Bilib talaga ako roon, mahusay na artista. At napakabait na bata.”
Sa pelikula, lumilitaw na si Yul ang pinakahuling naging leading man, so far, ni Nora.
“Nakakatuwa naman. Sabi niya, ‘Ate Guy, nakatatlong awards ako doon…’ Mahusay talaga siya,’” banggit din ni Nora.
Samantala, among the Sa Ngalan ng Ina cast members, binanggit ni Nora na sina Alwyn Uytingco at Edgar Allan Guzman ang pinaka-promising at nag-i-standout sa mga baguhang nakakaeksena niya.
“Magagaling at masisipag, mga disiplinado,” sabi ni Nora.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load