Kobe Paras linked to a viral photo of a guy holding hands with a mystery woman.
Netizens are asking if Kobe Paras (left) is the guy in the viral photo of a tall and tattooed man holding hands while walking with a mystery woman.
PHOTO/S: Kobe Paras on Instagram/Screengrab on Reddit
Palaisipan ngayon sa netizens kung si Kobe Paras nga ba ang diumano’y naispatan sa Bali, Indonesia, na may kasamang non-showbiz girl.
Sa gitna ito ng balitang hiwalay na si Kobe at Kapuso actress na si Kyline Alcantara noon pang unang linggo ng Abril ng kasalukuyang taon.
Nitong Miyerkules, April 23, 2025, isang netizen ang nag-upload sa social media ng larawan ng isang lalaki na may ka-holding-hands-while-walking (HHWW) na di kilalang babae sa Bali.
Hindi makita ang mukha ng lalaki sa litrato dahil ito’y nakatalikod habang hawak-hawak ang kamay ng isang babaeng balingkinitan, nakasuot ng white long skirt, at pink tank top.
Ang lalaki sa litrato ay nakasuot ng yellow-and-green top at camouflage shorts.
Ayon sa uploader, hindi siya puwedeng magkamali na ito’y si Kobe dahil malapitan daw niya itong nakasalubong habang naglalakad sa lugar.
Sumang-ayon ang ibang netizens na nagkomento sa litrato, at sinabing akma raw ang mga tattoo sa calves at arms ng lalaki sa mga tattoo na mayroon si Kobe.
Hindi malinaw ang eksaktong petsa ng kuha sa mga litrato.
Pero inuugnay iyon ng netizens kay Kobe na nagbakasyon sa Bali, Indonesia kamakailan.
Sabi rin ng mapanuring netizens, ang babaeng kahawak-kamay ng lalaking hinihinalaang si Kobe ay iba umano sa babaeng namataang kasama ni Kobe sa isang club.
Bunsod nito, lalong naging tampok ng usap-usapan ang hiwalayan nina Kobe at Kyline, na nito lamang mga nakaraang buwan ay sweet na sweet pa base sa mga nailalathalang litrato nila.
Kobe Paras allegedly spotted with non-showbiz girl in Bali, Indonesia, amid chatter of a breakup with Kyline Alcantara.
KOBE paras and KYLINE alcantara BREAKUP TIMELINE
Kagabi, April 23, nakasaad sa ulat ng PEP Troika na napag-alaman nilang first week of April pa nang mag-break sina Kobe at Kyline.
Ayon sa source, nagkaroon ng matinding pag-aaway ang couple pero nagkaayos din.
Pero makalipas lamang daw ng ilang araw, nagkaroon ulit ng alitan, at doon na naghiwalay ang dalawa.
Hindi lang daw binanggit ng source kung sino kina Kobe at Kyline ang nag-initiate ng breakup.
Nangyari iyon bago naiulat ang pagpunta ni Kobe sa Bali at pagpa-party doon kasama ng mga kaibigan.
Sinasabing hindi naman magsasalita ang dalawa dahil sa kanilang existing endorsements.
BEFORE THE CONFIRMED BREAKUP of kobe and kyline
Pero hindi naitagong may isyu ang dati’y sweet couple.
April 11 nang umugong ang usap-usapang hiwalay na ang dalawa nang mapansin ng fans ang pagde-delete ni Kobe sa ilang mga litrato nila ni Kyline sa Instagram.
Ayon sa mga masugid na tagahanga ni Kobe, mula sa 78 posts ng kilalang basketball player ay naging 76 na lang ang mga ito.
May dalawa raw na litratong binura si Kobe, at hinala ng netizens ay pictures nila iyon ni Kyline.
Isa na raw rito ang kuhang larawan ng couple habang sila’y nasa isang restaurant sa Makati City, base sa location na nakalagay sa post ni Kobe.
Ang isa pa ay ang kuhang larawan ng dalawa nang sila’y nagbakasyon sa Palawan noong December 2024.
Pinapaniwalaang pati si Kyline ay nagbura rin ng mga litrato nila ni Kobe.
Dahil tanging ang mga brand collab at events na pinuntahan na lang nila ni Kobe ang makikita sa IG ng aktres.
April 12 klarong pinabulaanan ng ama ni Kobe na si Benjie Paras ang espekulasyong hiwalay na ang anak at si Kyline.
Sa eksklusibong panayam ni Gorgy Rula ng PEP Troika, sinabi ni Benjie na hindi totoong hiwalay na sina Kobe at Kyline.
Magkasama pa nga raw sila kailan lamang sa isang inuman.
Pero nagpatuloy ang haka-hakang may problema sa relasyon nina Kyline at Kobe.
Bandang mid-April, may isang content creator sa Facebook ang kumuwestiyon sa aniya’y “lifestyle” ni Kobe na “parang nakawala sa hawla” kapag hindi kasama si Kyline.
Kalakip ng nasabing post ang party pictures ni Kobe na may mga kasamang barkada at isang hindi kilalang babae.
Agad namang dinepensahan si Kobe ng nakakatanda niyang kapatid na si Andre Paras.
Sa Facebook post ni Andre noong April 15, pinangaralan niya ang content creator na kumuwestiyon sa paglabas-labas ni Kobe na wala si Kyline.
Ayon kay Andre, hindi dapat bigyang-malisya ang pagpunta ni Kobe sa bar.
Ipinunto rin ni Andre kung sino ang mga babaeng kasama ni Kobe nang malitratuhan siya sa bar.
Ani Andre, kung talagang “magaling silang mag-stalk” ay nalaman daw sana ng content creator na “girlfriends” ng mga barkada ni Kobe ang kasama nito sa club.
KYLINE, KOBE UNFOLLOW EACH OTHER ON INSTAGRAM
Nagpatindi pa sa hinala ng fans na hiwalay na sina Kobe at Kyline nang parehas nilang in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.
Noong April 20 tuluyan nang inalis ni Kyline si Kobe sa kanyang IG following list.
Hindi nagtagal, nitong April 22, kapansin-pansing maging si Kobe ay in-unfollow na rin si Kyline sa IG.
Nasundan pa ito nang pagpu-post ni Kobe sa Instagram Stories ng larawan niya habang sakay ng bangka sa may dagat.
May background music ang kanyang post na “Life is good” ng American rapper na si Future at Canadian rapper na si Drake.
KOBE paras MOm posts CRYPTIC ig stories
Dahil wala pang direktang pag-amin sina Kobe at Kyline, mas uminit ang pagmamatyag ng fans sa dalawa.
Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang matalinhagang IG Stories ng ina ni Kobe na si Jackie Forster.
Noong April 22, magkakasunod na makahulugang borrowed quotes patungkol sa “emotional manipulation and accountability” ang ipinost ni Jackie, isang dating artista.
Hinala ng netizens, may kinalaman iyon kina Kobe at Kyline.
Ang unang borrowed quote na nirepost ni Jackie ay tungkol sa isang taong humahabi raw ng sariling narrative kapag hindi na nito kayang manipulahin ang taong gusto nitong kontrolin.
Mababasa rito, “When someone realizes they can no longer manipulate you, they rewrite the story to protect themselves.
“Because telling the truth would require them to face the harm they caused and to sit with everything they’ve been avoiding within themselves.”
Photo/s: Screengrab Jackie Forster on Instagram
Isa pang borrowed quote ang ibinahagi ni Jackie patungkol sa taong wala raw accountability, at sinisisi ang problema sa iba.
Saad dito: “It’s easier to deny, deflect, and distort than to take accountability.
“So instead of owning their behavior, they create a version of the story where you’re the problem.
“But their narrative doesn’t change your reality and your healing doesn’t require their validation.”
Photo/s: Screengrab Jackie Forster on Instagram
Malaman ang ginamit ni Jackie na hashtag na “#mamawithreceipts” sa dalawang IG Stories.
Sa isa pang IG Story ni Jackie, “Manipulation is when they focus on how you reacted instead of how they treated you.”
Photo/s: Screengrab Jackie Forster on Instagram
Habang isinusulat ang artikulong ito, tahimik pa rin sina Kyline at Kobe tungkol sa hiwalayan nila.
Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang paglilinaw ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
News
President, First Lady pay off Nora’s debts and expenses—PCO exec
National Artist money benefits have limits. An executive from the Presidential Communications Office tells media that President Ferdinand Marcos Jr….
OMG! Nora Aunor Confessed a Deep Secret to Granddaughter Janine Gutierrez Before Her Passing! Fans SHOCKED!
OMG! Nora Aunor Confessed a Deep Secret to Granddaughter Janine Gutierrez Before Her Passing! Fans SHOCKED! 😱💔 📰 OMG! Nora Aunor’s Final…
Grabe, Hindi Mo Ito Inaasahan! Christopher de Leon, Binulgar ang Totoong Dahilan ng Hiwalayan Nila ni Andy Andolong — Mga Lihim na Matagal Itinago, Ngayon Lang Isiniwalat!
Ibinahagi ng misis ni Christopher De Leon na si Sandy Andolong na minsan ay sinubok rin ng pagkakataon ang pagsasama…
SHOCKING REVELATION! Nora Aunor’s former lover reveals the secret child they kept hidden for decades — fans are stunned as the identity is finally exposed… and it’s someone no stranger to the public!
SHOCKING REVELATION! Nora Aunor’s former lover reveals the secret child they kept hidden for decades — fans are stunned as…
MS. CORY V. NAGSALITA NA! JANINE GUTIERREZ, KUMPIRMADONG BALIK-GMA NA WALANG KONTRATA SA ABS-CBN?!
📰 MS. CORY V. NAGSALITA NA! JANINE GUTIERREZ, KUMPIRMADONG BALIK-GMA NA WALANG KONTRATA SA ABS-CBN?! 🗓️ Petsa ng Pagkakalathala: Abril 26, 2025…
Rebranded Eat Bulaga, Scripted Lamang Ang Mga Papremyo, Mga Contestant Hand Picked?
Isang netizen ang tahasang naglabas ng allegasyon sa umano’y handpicking ng mga contestant sa unang episode ng rebranded version…
End of content
No more pages to load