Hindi na pinalagpas ng kampo ng aktres na si Sarah Lahbati ang mga pasaring ni Annabelle Rama, ina ng asawang si Richard Gutierrez.
Tila napagod na umano itong si Sarah Lahbati sa mga masasakit na salitang binibitawan ni Annabelle Rama sa kanya at sa kanyang mga magulang.
Dahil sa isyu ng paghihiwalay ngayon nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nagsipaglabasan na rin ang mga isyu kung saan matagal na umanong pinagsasalitaan ng hindi maganda ni Annabelle Rama si Sarah Lahbati.
May mga usap-usapan pa na hindi naman umano tinatawag na ‘Mama’ ni Sarah Lahbati si Annabelle dahil ayaw ng huli.
Ayon naman sa ina ni Sarah Lahbati, naawa na siya sa kanyang anak dahil sa mga masasakit na salita at mga akusasyon na ibinabato rito ni Annabelle na wala naman umanong katotohanan.
Bukod pa rito, naghain din umano ng apela si Annabelle Rama sa korte para makuha niya ang full custody ng mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Nais umano itong makuha ni Annabelle dahil nais niya nasa kanya ang mga paborito niyang apo.
Bagama’t tila dinidedma lamang ni Sarah Lahbati ang mga akusasyon sa kanya ni Annabelle Rama na may kinalaman sa pera, hindi naman nakapagtimpi ang ama ng aktres at binweltahan na rin niya ang byenan ng kanyang anak.
Tinawag ng ama ni Sarah Lahbati si Annabelle na isang asong na tahol ng tahol dahil sa patuloy na pakikialam nito sa buhay ng kanyang mga anak.
Samantala, ayon sa aming nakalap na mga impormasyon, nagsimulang magkalamat ang relasyon nina Sarah Lahbati at Annabelle Rama nang umuwi sa bansa ang mga magulang ng aktres para dito na manirahan.
Nauna namang pinaglaban ng dalawa ang kanilang pagmamahalan at pamilya subalit tila nagkalamat na rin kalaunan ang kanilang relasyon dahil sa hindi pagkakaintindihan ng kani-kanilang mga magulang.
Kaagad namang umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizens ang pakikialam ng mga magulang nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa kanilang pagsasama.
May mga netizens na nagsasabi na walang karapatan si Annabelle sa mga anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez dahil lola lamang siya at ang custody ng mga bata ay dapat nasa ina lalo pa kung below seven years old pa lamang ang mga ito.
“Lola lang siya! Si Annabel, talagang may diprensia sa isip si Annabel File ka na Sarah ng annulment para makawala ka sa gapos, hingan mo ng alimony panalo ka sa batas”
“Dapat mga magulang magayos ang pagsasama ng mga anak…mas may karapatan ang ina sa mga anak…sustento ng mga anak ang kailangan sa ama…hindi naman ikaw ang ina para kunin mo mga anak nya…”
Samantala, may mga naghinala pa na talagang si Annabelle ang gustong maghiwalay na ang mag-asawa para sumikat muli ang karera ng kanyang anak.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load