
Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens ang pagiging stage mom ni Divine Geronimo sa kanyang anak na si Sarah Geronimo. Ilang beses na ring kinwestyon ng mga netizens ang kanyang pagmamahal sa anak at ang pagiging ina niya ng tinaguriang Popstar Royalty.
Hindi rin naman naging lingid sa kaalaman ng lahat ang mga kontrobersiyang kinakakasangkutan nito noon at magpahanggang ngayon.
Narito ang ilan sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Mommy Divine Geronimo na nakaapekto sa showbiz career ng kanyang anak na si Sarah Geronimo.
Ang Hindi Ipinalabas ng Episode ni Sarah Geronimo sa Gandang Gabi Vice
Isa sa mga napag-uusapan noon ay ang pagpigil umano ni Mommy Divine sa pag-ere ng episode ng GGV na kinatatampukan kay Sarah Geronimo.
Sa isang Facebook post ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, isiniwalay niyang hindi na ipapalabas ang guesting ni Sarah Geronimo sa Gandang Gabi Vice kung saan ipopromote sana niya ang kanyang pelikula noon na Miss Granny.
Marami ang nagsasabing totoong nangyari ang guesting ni Sarah sa GGV dahil sa mga naglabasang mga larawan niya kasama si James Reid na sa pagkakataong iyon asy kasama rin niya sa nasabing pwlikula.
Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, sinabi umano ng kanyang source na kaya hinarangan ni Mommy Divine ang pagpapalabas ng guesting ni Sarah Geronimo sa show ni Vice Ganda dahil hindi niya nagustuhan ang sagot ni Sarah sa ilang mga katanungan ng komedyante.
Ai-Ai Delas Alas recalls ‘Not so Good Experience With Mommy Divine
Taong 2006 naman ng makatrabaho ni Ai-Ai Delas Alas si Sarah Geronimo sa seryeng Bituing Walang Ningning kung saan gumanap silang mag-ina.
Sa isang panayam kay Ai-Ai Delas Alas noong 2020, naitanong sa komedyante kung paano si Sarah Geronimo bilang katrabaho, kaya naman hindi na napigil ng aktres na balikan ang experience niya sa ina ni Sarah Geronimo.
Una pang umiwas noon si Ai-Ai Delas Alas na mapag-usapan ang karanasan niya kay Mommy Divine subalit napilit rin sa huli ang aktres.
Pagbabalik tanaw ni Ai-Ai Delas Alas, napagbingtangan umano sila noon na kinuha ang isang t-shirt ni Sarah Geronimo kaya naman pinahalughog ni Mommy Divine ang kanyang van.
Isa pa sa isyung kinasasangkutan noon ni Mommy Divine ay noon inuwi nito ang lahat ng cake na ibinigay kay Sarah para sa birthday celebration nito ASAP.
Kadalasan kasi ng mga cake na ibinibigay sa mga celebrants ng ASAP ay pagsasaluhan ng lahat ng mga staff at mga celebrities na kasama sa programa subalit ni isa ay wala umanong tinira si Mommy Divine.
Marami ang napapatanong kung paano uubusin nina Mommy Divine ang lahat ng mga cake na iniuwi nito, wala umanong tinira ang ina ng singer maski ang dummy cake na ginawang props ay pinabitbit rin nito sa kanilang bodyguards.
Kung may maituturi mang pinaka-kontrobersyal na ginawa si Mommy Divine ay ito na ang panggugulo niya sa secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong February 2020.
Sa isang interview noon kay Mommy Divine inamin niyang hindi lingid sa kanyang kaalaman ang pagtawag sa kanya bilang over-protective subalit para sa kanya ay wala siyang pagkakamaling ginawa.
Naging masalimoot ang masaya sanang okasyon sa buhay ni Sarah Geronimo ng biglang dumating sa reception ng kanilang kasal ni Matteo si Mommy Divine, galit na galit umano ito at nagwawala dahil tutol siya sa ginawang pagpapakasal ni Sarah.
Umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo ang isyu nang magreklamo ang isang bodyguard na umano’y sinuntok ni Matteo subalit napag-alaman sa huli na inutusan lamang ni Mommy Divine.
Ilang taon ding nanahimik si Mommy Divine subalit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na wala na silang maayos na relasyon ni Sarah Geronimo dahil tinakwil na nito ang anak.
Muling naging laman ng usapin si Mommy Divine nang may mga empleyado na nagreklamo naman sa kanya dahil sa kanyang maliit na pasahod. Bukod pa rito, wala rin umano silang natatanggap na benifits at walang overtime pay.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load






