Marami ang nagulat sa biglaang pag-alis ni Maja Salvador sa Eat Bulaga. Bagama’t temporary lamang ito dahil kailangan umano munang magfocus ng actress sa kanyang nalalapit na pagpapakasal, tila may ibang mga netizens na tumaas pa rin ang kilay at hindi kumbinsido sa kanyang rason.
Samantala sa latest episode ng Cristy Ferminute ni Manay Cristy Fermin, isa sa kanilang napag-usapan ay ang mga komento mula sa mga netizens.
Ayon kay Cristy Fermin, may nababasa umano silang komento na nang-iiwan sa gitna ng laban ang actress host. Hanggang ngayon kasi ay tila hindi pa rin natatapos ang internal conflict na nagaganap sa Eat Bulaga.
“Ang dami-daming naglalabasang komento, na kesyo si Maja daw, nang-iiwan sa gitna ng laban. Hindi po, ikakasal po si Maja Salvador, diba?” pagtatanggol ni Manay Cristy Fermin.
Ipinunto din ni Manay Cristy na hindi isang simpleng selebrasyon ang magaganap sa kasalang Maja Salvador at Rambo Nunez.
Hiling naman ni Manay Cristy na sana ay initindihin na lamang ang aktres ngayon at sinabi naman umano nitong babalik din siya sa Eat Bulaga.
“Kaya lang hindi natin maiiwasan ‘yung mga haka-haka, ‘Naku si Maja, kung kailan palubog na ‘yung barko,’ may ganu’n akong mabasa e, ‘Saka naman tumalon.’ Hindi po ganu’n. Unawain po natin na may kasalang magaganap at sila ni Rambo ang personal na namamahala sa kanilang pagpapakasal.”
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load