Lotlot: “Mommy kasi never treated us any differently from Ian.”
Lotlot (front left), Matet (front right), Kenneth (back left), and Kiko de Leon (back right)—the adopted children of Nora Aunor—open up about their bond with their late mother. Joining them in honoring her memory is Nora’s only biological child, Ian de Leon (front center)
PHOTO/S: Screengrab GMA Public Affairs on YouTube
Pasasalamat ang nararamdaman ng magkakapatid na sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon kay Nora Aunor, ang kinikilala nilang ina.
Lima ang anak ni Nora at ng ex-husband niyang si Christopher de Leon.
Ang tanging biological child nila ay si Ian, habang adopted kids naman sina Lotlot, Matet, Kenneth, at Kiko.
Magkakaiba mang ina ang nagluwal sa kanila, kailanman ay hindi raw naramdaman ng apat na hindi sila bahagi ng pamilya o may kakulangan sa pagkatao nila.
Ito ang ibinahagi ng limang magkakapatid sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) nitong Linggo, April 20, 2025.
Nangyari ang panayam noong April 18, sa gitna ng kanilang pagluluksa sa pagkamatay ng tinaguriang Superstar ng Philippine entertainment industry at National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts.
Binawian ng buhay si Nora sa The Medical City, Pasig City, noong Miyerkules ng gabi, April 16, 2025.
Siya ay 71 years old.
Nora Aunor died of acute respiratory failure, according to her son Ian de Leon.
Photo/s: Jerry Olea
NORA AUNOR on ADOPTIVE KIDS
Isang lumang interbyu ni Nora sa KMJS ang binalikan ng host ng programa na si Jessica Soho.
Pahayag niya noon: “Dinadala po sila sa bahay. Yung mga tao, lalung-lalo na yung mga bata na dinadala sa iyo, magi-guilty ka kung hindi mo tatanggapin.
“Kasi kung mabalitaan, kunwari, hindi mo tinanggap, at nabalitaan mo na hindi maganda yung nangyari sa mga bata, para bang konsensiya mo na bakit hindi mo tinanggap, na kahit papaano ay makakatulong ka nang malaki para sa kanila.”
MATET, LOTLOT, KENNETH, AND KIKO Open Up About Discovering They Were Adopted
Hiningi ni Jessica ang reaksiyon ng magkakapatid sa sinabi ni Nora.
Simula ni Matet, “Sa mga mahilig na tumawag sa amin ng ‘ampon.’”
Hirit ni Lotlot, “Ampon ba tayo? Hindi naman, ah. Si Ian ang ampon.”
Dugtong ni Matet: “Ayaw na ayaw po niya [na sinasabihan kaming ampon]. Never po niyang ipinaramdam sa amin iyan.
“Nalaman po kasi naming ampon kami from the helpers.
“Twelve [years old] po ako non. ‘Matet,’ pinatawag ako, ‘Si Kuya [Ian], anak ni Mommy, pero tayo [Lotlot, Kiko, Kenneth] ay anak niya sa heart.
“Pasalamat ako kay Mommy kasi kung hindi ho sa kanya, hindi ko sila kapatid.”
Sa kaso naman ni Lotlot, noong nalaman niyang hindi si Nora ang nagluwal sa kanya ay mismong siya raw ang nagtanong sa namayapang singer-actress.
Ang natatandaang tanong ni Lotlot sa mommy niya: “Bakit si Ian lang ang galing sa tiyan mo? Bakit ako hindi? Gusto ko, ako din.”
Ang sagot daw ni Nora sa kanya: “Ikaw, galing ka sa Panginoon, bigay ka sa akin. Si Ian, siya lang yung pinagbuntis ko.”
Ramdam naman ni Lotlot na pantay-pantay ang pagtingin sa kanila, “…mommy kasi never treated us any differently from Ian.”
Hindi rin nagtanim ng hinanakit si Kenneth nung nalamang adopted child siya ni Nora.
Sa katunayan, sa tuwing tinatawag at kinikilala raw siyang anak ni Nora ay wala siyang ibang nararamdaman kundi pasasalamat.
Aniya, “Ang unang pumapasok sa akin, e, blessings, God’s gift na siya ang mommy ko.
“We’re blessed because of mom.
“And the one thing na natutunan ko po sa kanya is always give respect.”
Maging si Kiko ay wala raw masabing masama sa kanyang nakagisnang ina dahil sa pagmamahal na ibinigay nito sa kanilang magkakapatid.
Ang mangiyak-ngiyak na sabi niya, “Ma, kung nasaan ka man, sana sa susunod na mundo, Superstar ka pa rin.
“Sana, nanay ka pa rin namin.”
IAN ON HAVING FOUR SIBLINGS
Bagamat si Ian lang ang tanging biological child ni Nora, kailanman ay hindi raw niya kinuwestiyon kung bakit nag-ampon pa ang kanyang ina.
Ang tanging tanong lang daw niya noon ay kung bakit magkakaiba sila ng magulang.
Kung si Ian daw kasi ang papipiliin, gustung-gusto niyang magkakaparehas silang ipinagbuntis at iniluwal ni Nora.
Sabi niya: “Ako naman, nasaktan, ‘Bakit hindi tayo pare-pareho?’
“Kasi love na love ko Ate ko, e [Lotlot]. Talagang siya yung laging kadikit ko.
“So kinimkim ko iyon, pero parang there was parang lingering feeling na I’m very thankful na naging ate ko siya.”
Masayang-masaya raw si Ian na binigyan siya ng mga kapatid ni Nora.
Hindi man niya kadugo, alam daw niya sa kanyang puso’t isipan na sila’y itinadhana na magkasama-sama para maging isang pamilya.
“Matet came along, Kiko, and Kenneth. Dumarami kami, may mga kalaro na ako.
“May nabu-bully na ako, may napagti-trip-an na ako,” ang biro ni Ian.
Dagdag niya, “Pero hindi, sobrang thankful ako kay God na naging part ako ng mga buhay nila through our mom.
Sa huli, may mensaheng iniwan si Ian sa kanyang pinakamamahal na ina.
Aniya, “Ma, till we meet again. I love you and always remember this is not a loss for everyone but a gain in heaven.”
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load