Ang kilalang “Duktor ng Bayan” na si Doc Willie T. Ong, na kilala sa pagbibigay ng mga tips ukol sa kalusugan sa kanyang YouTube channel at Facebook account, ay kasalukuyang nakikipaglaban sa isang malubhang sakit na sarcoma cancer.
Sa isang vlog na inilabas ni Doc Willie, ibinahagi niya ang kanyang sitwasyon at sinabing, “Mayroon akong malaking kanser sa tiyan, seryoso ito pero hindi ako susuko. Para sa lahat ng mga pasyente ng kanser sa Pilipinas, sabay tayong gagaling.” Ito ang mensahe niya sa kanyang mga tagasubaybay.
Sa pinakabagong video na tinitled na “My Battle Against Cancer” sa kanyang YouTube channel, detalyado niyang isinaysay ang kanyang karanasan. Ayon sa kanya, apat na araw na siyang nakaconfine sa ospital at kasalukuyang sumasailalim sa chemotherapy.
Nagsimula ang kanyang kalagayan sa pagiging admit sa isang ospital sa Maynila, kung saan siya ay nandoon ng limang araw bago siya nailipat sa kanyang kasalukuyang ospital sa ibang bansa. Ngayon, dahil medyo mas maganda na ang kanyang pakiramdam, nagpasya siyang magbigay ng update sa kanyang kondisyon.
Ang video, na kinunan noong Agosto 29, Huwebes, ay na-record ng kanyang asawang si Doc Liza Ong. Ayon kay Doc Willie, noong panahon ng halalan noong 2022, maayos naman ang kanyang kalagayan. Ngunit nagkaroon siya ng mga sintomas na tila may mabigat at madilim na pakiramdam sa kanyang katawan. Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang mga medical mission at charity works sa iba’t ibang lugar.
Sa April 2023, napansin niyang nagiging mahirap na para sa kanya ang magsagawa ng medical mission. Nagsimula siyang makaramdam ng pagkapagod at hirap kapag mainit ang panahon, at nakakaranas siya ng panghihina at kahirapan sa paglunok.
Sa kanyang video, ipinakita ni Doc Willie ang mga sugat sa kanyang tiyan, na ayon sa kanya, ay mga bakas ng mga biopsies na ginawa sa kanya. Dahil sa patuloy na paglala ng sakit, nagpa-ultrasound siya at blood test, ngunit ayon sa kanya, wala namang nakita sa mga pagsusuri.
Noong Agosto 18 o 19, nakaramdam siya ng matinding sakit na hindi na niya kinaya, kaya nagpasya siyang magpa-admit sa isang ospital sa Maynila noong Agosto 20. Sa kanyang pagpasok sa ospital, isa sa mga sintomas na kanyang napansin ay ang paglaki ng kanyang tiyan. Dahil sa panghihina, napilitang humiga siya sandali at kinailangan ng tulong upang makabangon.
Ang mga detalyeng ito ay nagpapakita ng mga pagsubok na dinaranas ni Doc Willie sa kanyang laban sa sakit, ngunit sa kabila ng lahat, patuloy niyang ipinapakita ang kanyang tapang at determinasyon na magpatuloy sa kanyang misyon sa buhay.
News
Shocking! Anne Curtis Inakusahan Tinraydor Si Heart Evangelista Dahil Kay Pia Wurtzbach?
Usap-usapan ang pagbati ng tinaguriang “Dyosa” ng showbiz, si Anne Curtis, sa ika-35 kaarawan ni Miss Universe 2015, Pia…
Cristine Reyes Nagsalita Na Sa Breakup Nila Ni Marco Gumabao Issue Kasabay Ng 30th Birthday Ni Marco!
Nagbigay ng birthday greeting si Cristine Reyes sa kanyang kasintahan na si Marco Gumabao, kahit na tila may mga…
Natulala Sa Kilig Si Dingdong Dantes Ng Makita Si Marian Rivera Sa Backstage Ng Family Feud
Ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay hindi maitatago ang kanyang kasiyahan matapos makatanggap ng isang surpresa…
Archie Alemania, Naghain Ng Kanyang Counter-Affidavit; Pinabulaanan Mga Alegasyon Ni Rita Daniela
Nagpahayag na ng kanyang counter-affidavit si Archie Alemania kaugnay ng kasong “acts of lasciviousness” na isinampa laban sa kanya…
Marami Nagulat Sa Buhay Ni Roxanne Guinoo Ngayon Matapos Iwan Ang Showbiz
Viral at trending ngayon sa social media ang video na ibinahagi ng dating aktres na si Roxanne Guinoo. Maraming…
Buboy Villar Ibinuking, Ex-Partner Na Si Angilyn Gorens Nagkaanak Din Sa Ibang Lalaki
Inamin ng komedyante at TV host na si Buboy Villar na may anak na ang kanyang ex-partner na si Angillyn…
End of content
No more pages to load