Ikinalungkot ng maraming mga tagahanga at nagmamahal kay Kris Aquino ang panibagong update nito patungkol sa kanyang kalusugan. Marami ang hindi makapaniwala na ganito pala kahirap ang pinagdadaanan ngayon ni Kris.
Nitong February 14, 2024 kasabay ng pagdiriwang sa Araw ng mga Puso, ipinagdidiriwang din ng dating actress-host na si Kris Aquino ang kanyang ika-53 na kaarawan.
Subalit tila hindi masaya ang araw na ito para sa mga taong malapit at nagmamahal kay Kris Aquino dahil sa mga isiniwalat niya sa pag-uusap nila ni Boy Abunda na nais rin niyang malaman ng lahat.
Ayon kay Kris Aquino, pinili niyang ibahagi sa lahat ang kanyang mensahe sa pamamagitan ni Boy Abunda dahil nais niyang maintindihan ng lahat ang kanyang mga dinaramdam ngayon patungkol sa kanyang kalusugan.
Inilahad rin ni Kris Aquino na pakiramdam niya ay obligasyon niyang ipaalam sa libo-libong nagmamahal sa kanya at nagdarasal para sa kanyang kalagayan ang totoong nangyayari sa kanyang katawan ngayon matapos ang mahaba niyang pagkikipaglaban sa kanyang mga sakit.
Ayon sa pagkukwento ni Kris Aquino, hindi na maganda ang kanyang kalagayan sa ngayon dahil hindi umano bumubuti ang kanyang mga kalagayan sa katunayan ay lalo pa umano itong lumalala sa ngayon.
Sa katunayan ay nadagdagan pa umano ngayon ang kanyang autoimmune diseases. Inamin rin ni Kris Aquino na naapektuhan na ang kanyang puso at maaring anumang oras ay mastrok siya o di kaya ay ma-cardiac arrest.
Magiging mapanganib na rin umano para sa kanya ang darating na anim na buwan dahil may susubukan ang mga doktor na panibagong gamot sa kanya na bihira lamang na ibinibigay sa mga pasyente.
Sa pagkakataon umanong ito ay maaring hindi na siya magising at tuluyan ng mamaalam sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya. Sa ngayon ay patuloy paring humihiling ng panalangin si Kris Aquino sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya.
Ipinahayag rin niya na kailanman ay hindi siya susuko sa mga karamdaman niya alang-alang sa kanyang mga mahal sa buhay at mga anak.
Inihayag pa niyang hindi pa siya handang mawala sa mundo dahil may mga pangako pa siya sa kanyang mga anak at kailangang-kailangan pa siya ng mga ito.
Ayon sa pagbabahagi ni Kris Aquino na sa darating na lunes ay may susubukang gamot sa kanya na kung sakaling hindi makayanan ng kanyang katawan ay maari siyang mawala sa mundo.
Kung sakali namang makayanan niya ang baby dose na ibibigay sa kanya sa darating na lunes ay kailangan pa niya ng tatlong dose ng mga ito. Bukod pa rito, sa darating na lunes kapag nabigyan na siya ng dose ay mawawalan na siya ng immunity at maari na siyang dapuan ng iba’t-ibang mga sakit.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load