
Laman ng mga usap-usapan ngayon ang dahil ng hindi pagkakaintindihan ng mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion.
Ayon sa mga kumakalat na mga haka-haka may isang mahalagang gamit si Sharon Cuneta na naiwala ni KC Concepcion dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan.
Sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na nina Cristy Fermin, napag-usapan nila ang nasagap nilang impormasyon patungkol sa relasyon ng mag-inang sina KC Concepcion at Sharon Cuneta.
Ayon umano sa source nina Cristy Fermin, mayroon isang napakahalagang gamit si Sharon Cuneta na ipinagkatiwala kay KC Concepcion subalit bigla na lamang itong naglaho.
Hinanap umano ito ni Sharon Cuneta subalit wala nang maibigay si KC Concepcion dahil naisanla umano ito ng aktres. Hindi naman umano alam nina Cristy Fermin kung sinadya nga ba itong isanla ni KC o kaya naman ay nagipit lamang ito.
Ipinunto pa ni Cristy Fermin na kaya galit na gali umano si Sharon Cuneta sa pagkawala ng kanyang gamit dahil talagang napakamaalaga ni Sharon sa kanyang mga kagamitaan na ni libro ay iniingatan talaga nito. Lalo na iyong mga gamit na may mga sentimental value para sa Megastar.
Sa kabilang banda, hindi pa naman sinabi ni Cristy Fermin kung ano ang ‘napakahalagang gamit’ ni Sharon Cuneta ang naiwala ni KC Concepcion.
Subalit, hinala ng maraming mga netizens na isa itong jewelry dahil maaring maisanla ng aktres.
Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina KC Concepcion at Sharon Cuneta patungkol sa sinasabing hindi pagkakaunawaan nilang dalawa.
Matatandaan na unang napansin ng maraming mga netizens na tila may hindi maganda na nangyayari sa pagitan ng mag-ina dahil sa hindi pagbati ni Sharon Cuneta sa kaarawan ni KC.
Hindi rin nagbigay ng mensahe si KC Concepcion para sa kanyang ina at step father na si Kiko Pangilinan nang ipagdiwang ng mga ito ang kanilang anniversary.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load






