Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang nagaganap na internal conflict sa Eat Bulaga, kung saan sinasabing marami ang tatanggaling staff o di kaya ay babawasan ang mga talent fees.
Kaya naman ibinahagi na ni Tito Sotto ang naging paliwanag sa kanila ng TAPE Inc. kung bakit binabalak nilang bawasan ang staff o di kaya ang kanilang talent fees.
Ayon kay Tito Sotto sa panayam niya kay Nelson Canlas, sinabi sa kanila ng TAPE na nalulugi na ang Eat Bulaga kaya naman kinakailangan nilang mag-alis ng mga empleyado upang maiwasan ang tuluyang pagkalugi ng programa.
Pinayuhan din umano sila ng TAPE na alisin ang ilang segment ng show dahil hindi naman ito nakakaaliw.
“Ang sabi sa ‘min, nalulugi raw. Kailangan daw, baguhin ang nagpapatakbo. At kailangan daw i-reinvent ang Eat Bulaga, at mayroon daw mga portion na bored sila.”
Ibinahagi rin ni Tito Sotto na may opisyal ng TAPE na may utang kina Vic Sotto at Joey De Leon ng tig-30 million pesos.
“Ang laki ng utang kay Vic at kay Joey. Mahigit tig-30 million pesos ang utang sa kanila, for 2022 alone.”
Samantala, hindi naniniwala si Tito Sotto na nalulugi ang Eat Bulaga. Mapapatunayan diumano ito ng mga dokyumento sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Idinetalye pa ni Tito Sotto na mayroong 213 million peso net profit noong 2021 ang TAPE at dapat diumano’y mas malaki ang kitain nito para sa taong 2022 dahil sa panahon ito ng eleksyon.
Ibinunyag din ng television host na mayroong nawawalang P400-M sa Eat Bulaga na nakuha nila sa mga political ads noong nakaraang taon.
Hindi naman umano alam ni Tito Sotto kung nasaan na ngayon ang nawawalang pera at tanging ang TAPE lamang ang nakakaalam.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load