Nagbigay ng reaksyon ang dating kinakasama ni Dennis Padilla na si Linda Marie Gorton patungkol sa mga naging pahayag ni Dennis Padilla patungkol sa kanilang co-parenting set-up matapos ang kanilang paghihiwalay.
Matatandaan na sa isang panayam ni Aster Amoyo sa aktor na si Dennis Padilla inilahad ng aktor ang kanilang co-parenting set-up at ang pagpupursige umano niya sa pagtatrabaho para makapagpadala ng child support sa kanilang mga anak ni Linda matapos ang kanilang paghihiwalay.
Ilang buwan ang nakakalipas, nilinaw ni Linda Marie Gorton ang naging pahayag ni Dennis Padilla patungkol sa ‘madugong’ pagpapadala niya ng sustento.
Ayon Linda Marie Gorton, unang-una hindi naman naging consistent ang pagdadala ng child support ni Dennis Padilla.
Sa kamakailang post ni Linda Marie Gorton na ibinahagi niya sa kanyang social media account, inilahad niya ang kanyang side of the story sa naging panayam ni Dennis Padilla kay Aster Arroyo.
Sa kanyang post, inilahad niya ang pagsusuporta ni Dennis Padilla sa kanilang mga anak at kung bakit kinailangan niyang humingi ‘persistently’ kay Dennis Padilla.
Ayon sa post ni Linda Gorton, sa mga nakalipas na taon, hindi naging consistent ang pagpapadala ni Dennis Padilla ng suporta sa kanilang mga anak, maraming mga lapses at minsan pa ay hindi naman naging sapat ang ipinapadalang pera nito.
Minsan ay kinailangan pa umano niyang pagsabihan si Dennis Padilla at palaging humingi rito dahil kung pababayaan lamang niya ay kulang-kulang ang pala nito.
Dahil mayroon naman umano siyang trabaho roon kaya naman minsan ay siya na ang pumupuno sa pagkukulang ni Dennis Padilla.
Ayon pa kay Linda Gorton, lumiliit ang padala ni Dennis Padilla sa kanya dahil na rin mas expensive ang cost of living sa Australia kaysa dito sa Pilipinas.
Sa bandang huli ng kanyang post, inilahad ni Linda Marie Gorton ang naging dahilang ng kanilang paghihiwalay at kung bakit nanatili siya sa tabi ni Dennis Padilla may pera man sila o wala.
Nilinaw ni Linda na hindi patungkol sa financial problems ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil nanatili siya sa piling ni Dennis sa loob ng twelve years may pera man sila o wala.
Nanatili umano siya rito dahil nais niyang mabigyan ng kompletong pamilya ang kanyang mga anak subalit just like most things in life, you can’t have everything you want.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load