Gretchen Barretto Archives - Bombo Radyo Tuguegarao

Ikinokonsidera ng Department of Justice (DOJ) ang negosyanteng si Atong Ang at Aktres na si Gretchen Barretto na suspek sa kaso ng missing sabungero.

24 Oras: (Part 1) Atong Ang at Gretchen Barretto, itinuturing nang suspek  ng DOJ sa pagkawala ng mga sabungero; Ang, naghain ng 5 reklamo vs Dondon  Patidongan; ilang paaralan sa Cagayan, binaha dahil ...

“sooner than later it will happen.”, ito ang sagot ni Justice Secretary Boying Remulla nang tanungin kung kalian ito maghahain ng kaso laban kay Ang at Barretto.

Sinabi pa ni Remulla na isasailalim sa ebalwasyon ng mga piskalya sina Ang at Barretto at ang grupo ng piskalya ang magtatakda para suriin ang lahat ng mga ebidensya para malaman kung anong kaso ng ihahain laban sa dalawa.

Atong Ang, Gretchen Barretto itinuturing na mga suspek sa 'missing  sabungeros'- DOJ

Inihahanda na ang case buildup laban sa dalawa subalit inamin naman ni Remulla na mahirap sagupain ang mga ito dahil sa pera at mga koneksyon.

Aniya, iba-validate pa ang mga impormasyon.

Ayon kay Remulla, nasa 20 katao ang kabilang sa alpha list at alpha group ng e-sabong na siyang nagpapatakbo ng show.

Nitong Huwebes ay naghain si Ang ng reklamo laban sa whistleblower na iniuugnay siya bilang mastermind sa pagkawala ng mga sabungero.

Bilyonaryo rising: Atong Ang company earns P3B a month from P60B e-sabong  operations - POLITIKO