Nanay ni Maymay 2 taon nang lumalaban sa cancer, lola may sakit din

DALAWANG taon na palang nakikipaglaban ang pinakamamahal na nanay ng Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata sa sakit na cancer.
Umiiyak na ikinuwento ng dalaga sa ilang piling miyembro ng entertainment media ngayong hapon na nagkaroon ng kumplikasyon sa kidney si Nanau Lorna hanggang sa nauwi na nga ito sa Big C.
Ito raw ang dahilan kung bakit pabalik-balik siya sa Japan nitong mga nagdaang buwan kung saan sumailalim sa ilang medical treatment ang ina. Sa ngayon daw ay nasa Cagayan de Oro si Mommy Lorna.
“Yung treatment niya tuluy-tuloy pa rin for dialysis,” ang pahayag ni Maymay sa naganap na Star Magic Spotlight presscon hosted by DJ Jhai Ho.
Bukod dito, pati raw ang lola niya ay may karamdaman din, “Sabay sila pero mas malubha lang yung sa nanay ko.”
“Yung totoo, galing lang ako sa ospital kasi nga pabalik-balik kami sa ospital ngayon. Pero please po, huwag n’yo akong kaawaan.
“I just need your prayers lang, yun lang yun lang kailangan ko. Kaya isa sa mga pinakaayaw ko talagang mag-open up is ayoko yung parang ano ba…yung may awa kayo sa ‘kin.
“Pero ano, it will help me din para malaman n’yo kung saan ako nanggaling, yun yung nanay ko matagal nang may cancer, almost two years na.
“Kaya pabalik-balik ako sa Japan. Tapos ngayon, isa na lang sa pinaka-pinasasalamatan ko ay nakauwi siya two months ago. Kaya po hangga’t maaari po eh, nandiyan ako, kami (ng pamilya) kasama siya.
“Tapos kagabi lang sinugod na naman namin siya sa ospital. Yun yung sinabi ko na hindi ako umabot sa hindi sobrang okay at super okay-okay, nandito lang ako (sa gitna) kasi yun yung time na hindi ako okay at nalampasan ko yun.
“And dahil din yun sa Panginoon siyempre, yung acceptance kumbaga nandu’n na. At nandito ako sa point na kung saan…hangga’t may oras na all na makapiling ko yung dalawang nanay ko (ina at lola) gagawin ko.
“Mahal na mahal ko sila, of course sobrang hirap pero praise God talaga dahil sa support ng friends ko, ng pamilya ko, yung mga co-workers ko mga boss ko.
“Umabot din sa point na hindi ako okay or hindi ko na nakayanan yung emosyon ko, nandiyan talaga sila lagi 100 percent na sumusuporta sa akin.
“So yun din po ang dahilan kung bakit on an off ako sa sa showbiz this past few years po,” paliwanag pa ni Maymay.
News
Lotlot De Leon Pens Heartbreaking Farewell Message for Nora Aunor!
In an Instagram post, Lotlot De Leon pens this message for her mother, Nora Aunor. Philippine industry’s superstar Nora Aunor…
PINATALSIK NA! Principal ng CRANS sa Antique, SINIBAK ni DepEd Secretary Angara matapos ang Matinding Kontrobersiya!
Isang mainit na balita ang yumanig sa Antique ngayong linggo matapos kumpirmahin ng Department of Education (DepEd) na pinatalsik na…
SOFIA ANDRES & DANIEL MIRANDA – HIWALAY NA NGA BA? THIRD PARTY UMANO ANG TUNAY NA DAHILAN?!
Sa mundo ng showbiz, bihira tayong makakita ng love story na tila tahimik at pribado — tulad ng sa aktres…
Kyline Alcantara, TINAWAG na “MAKAPAL ang MUKHA” si Kobe Paras?! Gamit PALA ang KOTSE ng AKTRES sa PAMBABABAE?!
Hindi na nakapagtimpi si Kyline Alcantara! Matapang na umano niyang binanggit sa kanyang inner circle ang salitang “makapal ang mukha”…
Kobe Paras, SINUBUKANG MAKIPAGBALIKAN kay Kyline Alcantara… Matapos UMANONG LOKOHIN?!
Sa gitna ng mga usap-usapang hiwalayan, tila may bagong kabanata sa kwento ng basketball star na si Kobe Paras at…
LONGEST RELATIONSHIP NI NORA AUNOR NA SI JOHN RENDEZ: ANO ANG TUNAY NA KWENTO?
Sa likod ng entablado, sa pagitan ng mga palakpakan at awards, may isang kwento ng pag-ibig na tumagal ng halos…
End of content
No more pages to load