Ibinahagi ni Philippine National Police (PNP) Directorate for Comptrollership chief Brig. Gen. Jean Fajardo na ikinukumpara ng forensic team ang DNA ng mga nakuhang labi sa Taal Lake sa DNA profiles ng mga kaanak na naghahanap sa missing sabungeros. “If there will be a positive match po, definitely it will be [the] biggest development in this case po. Ika nga major breakthrough po ‘yan because this will prove our earlier assumptions,” saad niya sa press conference nitong Lunes, July 14, 2025. Sa ngayon, nasa 12 kaanak na ang nakuhanan nila ng DNA para makumpirma ang pagkakakilanlan ng mga labi. “Ang hinihingi ng mga pamilya closure eh. Sabi nila parang sa kanila tanggap na nila na wala na ‘yung kanilang mga kaanak, ngayon kung magkakaroon ng positive match that would definitely be a closure,” dagdag niya.