Nora Aunor namigay ng pera sa mga preso; magsasaka inabutan ng P15K

Mahaba at madamdamin ang naging pa-tribute at pamamaalam niya sa kanyang kaibigan na idinaan niya sa kanyang Facebook page.
“Wala na si Ate Guy, ang aking aktres sa anim na pelikulang ginawa ko at Pinagbidahan niya, Muling Umawit ang Puso, Flor Contemplacion, Bakit may Kahapon Pa,Sidhi, Hustisya, Isa Pang Bahaghari.
“Sa lahat ng Pelikulang nabangit ay tumampok ang kanyang kahusayan sa pagganap sa bawat karakter na hinihingi ng Pelikula.
“Katunayan ang mga ‘best actress’ awards na natanggap niya sa halos lahat ng films na ginawa namin. Local and international awards! Sa pagbuo ng anim na films ay nabuo ang aming propesyonal na relasyon bilang aktres at direktor,’ simulang pagbabahagi ng award-winning filmmaker.
Pagpapatuloy ni Direk Joel, “Nabuo Ang prinsipyong dapat ang katotohanang hinihingi ng pelikula ang maibigay namin sa manonood. Nahubog ang tumatak na uri ng pagganap na si Nora lang ang makapagbibigay. Ang simple, makatotohanan, at diretsang ekspresyon ng emotion na hinihingi ng partikular na panahon.
“Hindi product ng ano mang workshop si ate Guy o ng ano mang iskwela sa pag arte. Ang kanyang husay ay bunga ng mga karanasang pinagdaanan niya mula ng bata pa siya hanggang maging superstar!” saad ng direktor.
Ang una raw nilang ginagawa bago simulan ang isang pelikula ay ang masinsinang pag-uusap kung ano ang gusto nilang iparating na mensahe sa manonood.
“Malimit malalim ang paguusap, may pagtatalo , may kaunting taasan ng boses at sa huli sasabihin niyang ikaw na ang bahala direk, naniniwala naman ako sa iyo. Ganoon ang Respeto ni ate Guy!” aniya.
Pinatunayan din ni Direk Joel ang pagiging pilantropo ng namayapang aktres tulad din ng naging pahayag ng anak nitong si Ian de Leon.
“Mabait si ate Guy sa lahat ng ka trabaho niya. Ayaw niya ng may naaapi, o naaagrabyado lalo na sa mga crew na maliit lang ang bayad. Sa last day ng filming tiyak meron siyang ibibigay na tulong na pera sa lahat.
“Tuwang tuwa ang mga mangagawa sa kabutihang loob niya. Ng matapos ang shuting ng Flor Contemplacion sa Sta. Cruz city jail sa Sta. Cruz Laguna, pinapila niya ang mga presong nakasama namin at pinagbibigyan niya ng pera.
“Tinawag ako ng warden at sinabi sa aking pigilan si Ate Guy at babalik na ang mga preso sa kulungan at baka magsitakas. Sabi ni ate Guy ‘walang tatakas sinabihan ko sila’ at wala ngang tumakas!
“Isang di ko malilimutan ng ginagawa namin ang Sidhi kung Saan pipi ang role niya. Lunch break noon, lumapit sa akin si ate Guy at itinuro ang isang matandang Magsasaka na nakaupo sa ilalim ng punong manga, ‘direk tingnan mo yong matanda kamukha ni Papay’. Popeye the sailor man?
“Hindi naman, sabi ko. Hindi tatay ko, papay sa Bikol, lumapit siya sa matanda dinalahan ng lunch at nagtanong ‘Bakit Mag-isa Tay?’ at ‘bakit ka malungkot?’ Tumingin Ang matanda sa kanya at Nagsabing ‘namatay kasi ang kalabaw ko wala na akong magagamit na pan saka.’ Magkano ba ang kalabaw? Tanong ni ate Guy sa matanda. Mga kinse mil. Di namin kayang bumili.
“Tinawag ni ate Guy ang kasama niya at humingi ng 15 thousand, ibinigay sa matanda. ‘Ito tulong ko sa inyo, bumili kayo ng bagong kalabaw, huwag niyong ipagsabi na galing sa akin.’
“Maluha-luhang tinangap ng matanda ang pera at nagpasalamat! Ilan lamang yan sa mga kabutihang na saksihan ko, kung gaano kalaki ang puso niya sa mga naghihirap,” lahad ni Direk.
Pagpapatulog pa niya, “Sa mga kasama niyang artists, hindi ko nakita na nagturo siya kung paano gagawin ang isang eksena, minsan tinanong ko siya, bakit hindi mo ituro ate Guy? Sabi niya ‘huwag iba ang karanasan ko sa karanasan niya meron siyang ibang pakiramdam dito, respetohin natin yon!
“Paglilinaw lang ng sitwasyon ang maaari nating gawin! Ganyan si Ate Guy and Daki lang Pambansang Alagad ng Sining na namaalam na sa atin.
“Malaki ang Natutunan ko kay ate Guy na humubog sa aking paniniwala na hindi dapat pagtakpan ang katotohanan, hindi dapat burahin ang nakaraan at ibahin ang kasaysayan
“Meron kaming pinagusapan sanang importanteng pelikula na isusulat ng kaibigan naming si Ricky Lee- ang Nora Aunor Story, nakausap namin ang prodyuser naghihintay lamang ng tamang panahon.
“Sayang wala na si ate Guy pero itutuloy namin yon! Paalam ate Guy, mananatili ka sa Aking Ala Ala at sa puso ko! Sa muling pagkikita! MABUHAY KA!!!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load