Ama ng 4 taong gulang na nasawi sa NAIA tragedy, emosyonal na humingi ng hustisya
Nagsalita na ang ama ng apat na taong gulang na nasawi sa NAIA terminal 1 tragedy.

Source: Facebook
Sa video ng ibinahagi ng One PH, nakilala ang ama na si Danmark Masongsong.Sa video ng ibinahagi ng One PH, nakilala ang ama na si Danmark Masongsong.
Aniya, mahal na mahal niya ang anak at aminadong hindi niya matanggap ang nangyari.
“Napakahirap po sa’kin. Napakasakit po sa pamilya namin ang nangyari. Lalong lalo na anak ko po yun, mahal na mahal ko po yun. Hindi ko po tanggang ang nangyari.”
“Buong Pilipinas po ang nakasaksi sa nangyari sa anak ko. HIndi ko po kaya. kaya po ako nagsasalita rito para mailabas ko yung nararamdaman ko. Gusto ko lang kasi ng kausap kasi talagang mahal na mahal ko yung anak ko.”
Ang masaklap pa umano sa nangyari, wala pa umanong kaalam-alam ang misis niyang nasa ospital pa sa sinapit ng kanilang anak. Isa rin ang kanyang misis sa mga biktima ng umano’y pag-araro ng isang SUV sa harap ng NAIA terminal 1.
“Alagang-alaga ko po ‘yan, lalong-lalo na ng aking asawa. Hindi pa po niya alam na wala na ang anak ko.”
“Talagang mahal na mahal ko po ‘yan. Kaya po ako nag-iibang bansa para po sa kanilang dalawa tapos ganun ang mangyayari.”
Humingi rin ng tulong si Danmark na umano’y mapanagot ang driver ng SUV sa sinapit ng kanyang anak.
“Sana po ay tulungan niyo akong managot yung bumangga sa anak ko. Mananagot po ‘dun. Tulungan niyo po ako.”
“Atin pong gobyerno, tulungan niyo po akong mapangutan ito. Sana po ay hindi siya makapagpiyansa”
Mayo 4 nang gumulantang sa publiko ang balitang isang SUV ang umararo sa harap ng NAIA terminal 1. Ilang video ang nailabas kung saan makikita ang iba’t ibang anggulo ng pangyayari. Dahil dito, nasawi ang apat na taong na batang babae na naghatid lamang sa kanyang ama. Nadala naman sa ospital at lola nito na nahagip din ‘di umano ng nasabing sasakyan.
Samantala, Matatandaang kamakailan lamang, isa ring trahedya ang naganap sa SCTEX kung saan mag-asawa ang nasawi subalit nakaligtas ang kanilang dalawang taong gulang na anak. Nadurog ang puso ng marami nang malamang hinahanap pa rin ng anak ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina. Magbabakasyon lang sana sa Baguio ang mag-anak nang maganap ang malagim na trahedya.
Tinatayang 12 ang nasawi sa karambola ng 3 SUV, isang container truck at isang Solid North na pampasaherong bus sa SCTEX habang 28 naman ang lubhang nasugatan. Sinasabing umamin ang driver ng pampasaherong bus na siya ay nakaidlip. Dahil dito, marami ang nagdadalamhati at naulila ng mga nasawi sa nasabing nangyari. Pinatawan na ng 30 araw na suspensyon ng LTFRB ang buong fleet ng Pangasinan Solid North kaugnay sa nangyaring trahedya sa SCTEX.
News
🔥SHOCKING RUMOR ROCKS SHOWBIZ: Heart Evangelista Allegedly Owes Money to Chiz Escudero Amid Separation Buzz – Cristy Fermin Claims to Know Everything!🔴
The glamorous world of Philippine showbiz is once again shaken by a new round of controversy involving no less than…
SHOWBIZ ROYALTY SURPRISING CHANGE: Bea Alonzo Officially Meets Vincent Co’s Billionaire Parents – Lucio and Susan Co’s Reaction Shocks Fans
Is a wedding on the horizon for one of the Philippines’ most beloved actresses? MANILA, PHILIPPINES — In a move…
Isinapubliko ni Nora Aunor ang Kanyang Huling Habilin — Lumalabas na Iniwan Niya ang Kanyang Malaking Mana kay Ian de Leon Dahil Dito …
A huge revelation shook the showbiz world after news broke that Superstar Nora Aunor, in her official last will and…
💥SHOCKING REVELATION: Willie Revillame Finally Tells the TRUTH About Sugar Mercado—”Hindi Ko Na Kayang Itago Pa!”
MANILA, Philippines – Sa tagal ng pananahimik, isang matinding rebelasyon ang yumanig ngayong araw sa mundo ng showbiz! Willie Revillame—ang…
“Sasabihin ko ang buong katotohanan!” — Binasag ni Cherry Pie Picache ang katahimikan sa mga paratang sa pang-aabuso ni Edu Manzano…
Manila — In a revelation that shocked both fans and the entertainment world, veteran actress Cherry Pie Picache has finally opened up about…
Heartbreaking! Nora Aunor’s Family Was Missing at Her Death—The Real Reason Will Leave You Speechless
Nora Cabaltera Villamayor was born on May 21, 1953, and almost from the start she seemed destined for a life of…
End of content
No more pages to load