Direk Adolf says Nora was excited about their upcoming film together.

Director Adolf Alix Jr. says Nora Aunor was preparing for the shooting of their film that was supposed to start in June 2025.

Director Adolf Alix Jr. on Superstar Nora Aunor: “I think ang pinaka di ko sa kanya makakalimutan, how generous she is and kung gaano siya ka-welcome, lalo na sa mga fans. Yun ang di niya kinakalimutan—yung kanyang mga fans at kung paano niya i-treat yung mga malapit sa kanya bilang pamilya.” 
PHOTO/S: @aalixjr Instagram

Maraming nagawang pelikula si Adolf Alix Jr., 46, kasama ang namayapang National Artist Nora Aunor, 71.

Ilan sa mga ito ang Padre de Familia (2016), Whistleblower (2016), Pieta (2023), at Mananambal (2025). Co-star ni Nora rito sina Coco Martin, Angelica Panganiban, Alfred Vargas at Bianca Umali, respectively.

Si Adolf din ang direktor sa short film ni Nora na The Day After kunsaan kasama sina Alden Richards at Rosanna Roces.

Unreleased film naman ang dinirek ni Adolf na Kontrabida, na pinagbibidahan ni Nora.

Nora Aunor and Adolf Alix Jr. on the set of Mananambal back in 2023.

Nora Aunor and Adolf Alix Jr. on the set of Mananambal back in 2023. The film was released in theaters in February 2025. 
Photo/s: @aalixjr Instagram

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Adolf na nakatakda sana silang magsimula mag-shooting ni Nora para sa isang pelikula sa darating na June.

Ang plinaplanong proyekto ang huling pagkakataong nakita ni Adolf si Nora.

Kuwento ni Adolf: “Huling kita namin ay bago siya nagkaroon ng operation, kasi we’re planning na may project kaming gagawin ng June supposed to be.

“Inaayos namin, pinaplantsa namin, this April lang yan.”

“Okay naman siya, kasi bago lang siya pumasok. I think nagre-ready siya nun kasi magpapaopera siya, magpapa-angioplasty siya.”

ON NORA AUNOR’S DEATH

Pumanaw si Nora sa edad na 71 noong Miyerkules Santo, Abril 16, 2025.

Isa si Adolf sa mga naunang maglabas ng pakikiramay noong unang labas ng balitang binawian ng buhay si Nora.

Martes Santos, Abril 15, sinasabing sumailalim sa angioplasty si Nora.

Ang angioplasty, ayon sa clevelandclinic.com, ay “minimally invasive procedure” para mabuksan ang barado o masikip na arteries para makadaloy ang dugo.

Gabi ng Abril 16 nang pumanaw si Nora dahil sa acute respiratory failure. Ang acute respiratory failure ay kondisyon kunsaan di kayang mag-release ng lungs ng sapat na oxygen sa dugo.

Sabi ni Adolf sa pagpanaw ng Superstar: “Siyempre nakakagulat pa rin saka nakakabigla.

“Kasi, siyempre, di ba, lagi naman nating inaasahan ang ganitong bagay.

“Pero naisip na lang namin para mapahinga na rin si Ate Guy, dahil lately nga yung kundisyon niya, yung health condition niya ay unstable.”

Para kay Adolf, tatatak ang iniwang legacy ni Nora bilang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts.

“Siyempre, parte na ng kultura ng Philippines si Ate Guy, tanggapin man ng iba o hindi, saka phenomenon na si Ate Guy.

“The mere fact na nawala siya, it’s a big loss in the industry. Di siya makakalimutan.

“Sabi nga nung ibang mga kaibigan, ngayon di pa masyadong nagsi-sink in, pero after all this, mararamdaman natin na wala na si Ate Guy,” saad ni Adolf.

 

ADOLF ALIX JR. ON NORA AUNOR’S GENEROSITY

Pero higit sa ambag ni Nora sa industriya, ang tumatak para kay Adolf ay ang nakita niyang mga katangian ng Superstar kapag nagkakatrabaho sila.

“I think ang pinaka di ko sa kanya makakalimutan, how generous she is and kung gaano siya ka-welcome, lalo na sa mga fans.

“Yun ang di niya kinakalimutan—yung kanyang mga fans at kung paano niya i-treat yung mga malapit sa kanya bilang pamilya.”

Saksi rin daw si Adolf sa pagmamahal ni Nora sa trabaho.

“Also sa akin naman sa trabaho, makikita mo yung dedication niya.

“Although di consistent and kanyang health condition, kapag nag-report siya sa set, gusto niyang gawin kung ano ang nasa script basta kaya.

“Kahit siyempre minsan may limitations, pero gusto niyang gawin. Nakikita ko talaga na gusto niya ang trabaho niya.”

NORA AUNOR LOVE FOR THE CRAFT

Masuwerte raw si Adolf na nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho si Nora.

Ano ang mami-miss niya rito?

Sagot ni Adolf: “Minsan, siyempre, tumatawag siya sa iyo, nag-uusap kayo more than anything about trabaho…

“Saka yung mga kuwento niya behind the scenes ng mga pelikulang nagawa niya.

“Siyempre yung generation ko, later na ako.

“Ang sarap makinig ng mga kuwento niya sa mga panahon na ang mga Filipino ay they’re so into watching films.

“Kasi nga ngayon, iba na rin ang viewing habits ng mga tao. Noon talagang dumadayo sila sa sinehan para manood.”

Dagdag pa ni Adolf, may mga madalas na ipayo si Nora sa kanya.

“Pag nagkukuwentuhan kami, lagi niyang sinasabi, gawin ng maayos ang trabaho.

“Mahalin ang trabaho dahil ang trabaho na yan, kapag mahal mo ang trabaho mo, makikita yan.

“Yun, just give your best sa trabaho mo, makikita at makikita yan ng mga tao.”