TINULDUKAN na ng Vivamax sex siren na si Ava Mendez ang kumakalat na isyu kaugnay sa kanila ng aktor na si Jak Roberto.
Recently lang kasi, nag-viral sa social media ang ilang pictures at videos ng dalawa na spotted magkasama sa isang party.
For the very first time, nagsalita si Ava at binigyang-linaw ang mga naging katanungan ng mga Marite matapos usisain ng content creator na si Madam Lamon Queen.
Umamin ang aktres na nagkasama sila ni Jak sa isang party, pero ito raw ay dahil pareho nilang kaibigan ang may birthday at sila lang dalawa lang ang artista sa event.
“Nasa isang five star hotel kami. Doon kami kumain, uminom kasama ‘yung mga malalapit na kaibigan ‘nung may birthday. So nag-iinuman, nagkakatuwaan na and si Jak, medyo nakainom na rin,” kwento ni Ava.
Nabanggit din ng sexy actress na since silang dalawa lang ang artista, may mga nag-request na magpa-picture sa kanila.
Kaya ang ginawa nila ay nag-ikot ikot sa bawat table upang makapagpa-picture ang mga bisita na present sa party.
“May mga gustong magpa-picture sa aming dalawa ni Jak. So bawat table pinupuntahan namin at magkatabi kami ni Jak.
“So makikita niyo, may kumakalat na picture na magkatabi kaming dalawa pero ‘yung mga kasama namin, mga naka-crop. So ayun, ginawan na ng isyu,” chika niya.
Patuloy ni Ava, “After nu’n e di bumalik na ulit kami sa upuan namin edi nag-iinom nanaman kami. After that, si Jak sinasabihan na nila, like, alalay lang.”
Bigla namang nagtanong si Madam LQ kung paano nga ba nalalasing si Jak.
Sagot naman ni Ava, “Nagiging touchy na siya.”
Nag-follow up question ulit ang content creator sa kanya, “Nagiging touchy siya sa yo?”
Pag-amin ng aktres, “Hindi lang naman sa ‘kin.”
“’Yung mga nakakita kasi binibigyan na nila ng malisya. Pero pag kilala mo ‘yung tao, siyempre parang normal lang, makulit lang kasi nakainom eh. So naiintindihan ko ‘yun,” paliwanag pa niya.
Chinika rin ni Ava na nalasing talaga silang lahat sa dami ng kanilang nainom at doon na raw naging “aggressive” si Jak sa kanila.
“Halos maubos na namin ‘yung isang box ng single malt na ininom namin, doon na siya parang naging aggressive,” sambit niya.
Ani niya, “‘Yun nga, kumakausap na siya ng mga usherrettes na mga babae, tapos parang umalis na ‘yung mga babae doon. Tapos next ‘yung samin na, kasi kami nalang ‘yung natitira and then dapat pauwi na kami noon kaso hindi na ako nakauwi dahil lahat kami lasing.”
At dahil sa kalasingan nila nang todo, ang may birthday na mismo ang nag-initiate na kuhaan sila ng rooms upang doon na lang magpahinga.
“So papunta na kami ng elevator, papunta na kami sa room namin, may mga ibang fan din na nakakita na may ginagawa si Jak sa akin, which is ’yung parang hug lang ng kaibigan, like, behind. Kasi lasing talaga siya, bangag talaga siya,” paglalahad ni Ava.
Dagdag pa niya, “May nakakita na fan na binigyan kami ng malisya na niyayakap ako ni Jak tapos si Jak siyempre nahihilo na. So pagkakaalam ng fan inaamoy ako, tapos parang hinahalikan, which is wala namang ganun na senaryo na nangyari.”
“Lasing ‘yung tao eh. So naghahanap ng parang [sandalan], so ako ‘yung nakitang malapit. So ‘yun ‘yung nangyari,” depensa niya.
Nang tanungin naman siya ni Madam LQ kung papatol ba siya sa taong may jowa.
News
Meme Vice, tahimik sa una, pero nang makita ang irap ni Julia—may nasabi siyang ikinagulat ng lahat…
Isang normal na araw sa isang studio ng isang sikat na noontime show ang naging sentro ng panibagong intriga sa…
Kim, lumipad na lang bigla… walang paalam, walang paliwanag—bitin ang kwento sa mata ni Gerald… 💔
Hindi inakala ni Gerald Anderson na darating ang araw na basta na lang mawawala si Kim Chiu sa kanyang buhay—walang…
Edu, lumabas ng tahimik… ngunit may iniwang salita na nagpahinto sa lahat…
😢 Edu, lumabas ng tahimik… ngunit may iniwang salita na nagpahinto sa lahat… Sa mundo ng showbiz, sanay na ang…
Hindi Mo Aakalain ang Sikreto sa Likod ng Matagal na Relasyon nina Julia Montes at Coco Martin… Unti-unting Lumalabas ang Tunay na Kwento…💔
Sa loob ng maraming taon, nanatiling pribado at tahimik ang relasyon nina Julia Montes at Coco Martin—dalawang malalaking pangalan sa…
🔥 Tahimik na bumalik si Gerald, dala ang mabigat na pasaning pag-alis ni Ai-Ai sa kanyang green card—isang madilim na lihim ang nalantad na…😱
Matapos ang mahabang panahon ng pagkalayo at mga usaping naglalabasan tungkol sa kanyang personal na buhay, si Gerald ay muling…
💔 Si MAEGAN AGUILAR ay nagdusa ng problema sa pag-iisip matapos pumanaw ang kanyang pinakamamahal na ama, sinumang nakasaksi nito ay nasasakal at nadudurog ang puso… 🕊️
Sa mundo ng showbiz, sanay tayong makakita ng mga ngiti sa harap ng kamera, masasayang posts sa social media, at…
End of content
No more pages to load