Muling naglabas ng pahayag ang dating Hashtag member na si Nikko Natividad matapos makatanggap ng katakot-takot na pambabatikos sa social media dahil sa paakikisawsaw umano niya sa isyu sa pagitan nina Vice Ganda at sa mga guest nito sa isang segment ng It’s Showtime na Expecially For You na sina Axel at Christine.
Matatandaan na ipinagtanggol ni Nikko Natividad ang searchee na si Axel sa pamamahiya umano ni Vice Ganda dahil wala naman umanong masama kung sakaling totoong may balak si Axel na ibeso si Cristine.
Iginiit din niya na mas malala pa umano roon ang ginagawa ni Vice Ganda at maging siya ay nabiktima na rin ng pamamahiya ng host kaya naman alam na niya ang pakiramdam na ipahiya ng ganoon sa harap ng maraming tao at sa telebisyon kung saan mapapanood sa buong mundo.
Kamakailan lamang ay naglabas muli ng pahayag si Nikko Natividad kung saan iginiit niyang hindi siya nakisawsaw sa isyu kundi nais lamang niya na matugunan ng maayos ang nangyari.
Inilabas lang rin umano niya ang kanyang opinyon patungkol sa nangyari sa show na kinasasangkutan ng kanyang kaibigan na si Vice Ganda. Wala rin umano sa mga intensyon niya na makakuha ng simpatya mula sa mga netizens ang nais lamang umano niya ay makatulong.
Iginiit din ni Nikko Natividad na hindi siya nagsisisi sa ginawang post kahit pa nakatanggap siya ng matinding pambabatikos mula sa mga fans ni Vice Ganda dahil ipinagtanggol lamang umano niya ang walang kalaban-labang tao kahit pa nababasa niya ang mga komento ng ilang mga netizens na ipatanggal siya sa kanyang mga projects.
Inilahad rin ni Nikko Natividad na ang totoong dahilan kung bakit binura niya ang kanyang mga naunang post laban kay Vice Ganda ay dahil ito ang iniutos sa kanya ng management.
Narito ang kabuuang post ni Nikko Natividad, na umani ng komento at reaksyon mula sa mga netizens.
“For the last time na magsasalita ako tungkol sa nakaraan kong post. Unang una sa lahat hindi ako nagsisisi na nagsalita ako ng sarili kong saloobin. Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao. Nababasa ko mga komento nyo saken at ang gusto nyo mawalan ako ng trabaho dahil lang sa naglabas ako ng sarili kong saloobin. (Na alam ko na posibleng mangyari)”
“Kung ikekwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sakanila magbabago ba tingin nyo sakin? Pero hindi naman yun ang intensyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo. Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon.
“Kasi ganun naman ang pamilya at kaibigan. Tatapikin ka kapag alam mong sumosobra o medyo nagkakamali na.Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban.”
News
Kris Aquino suffers from lupus flare fever, shows visible spine: ‘My now’
Kris Aquino. Image: Instagram/@krisaquino Kris Aquino revealed her “pain and struggle” amid suffering from lupus flare fever for over two weeks…
Kahit Nahihirapan Na! Kris Aquino Gumawa Pa Rin Ng Sulat Na Ikinabigla Ng Lahat
Kris Aquino is currently suffering from her illness at talaga namang nagpapahirap sa kanya. Lalo na’t galing mismo dito…
Janine Gutierrez Nagsalita Na Sa Viral Video Nila Ni Jericho Rosales Na Naghahalikan!
Si Janine Gutierrez, isang kilalang aktres sa Kapamilya network, ay nagbigay-linaw sa mga bali-balitang kumakalat na naghalikan sila ni…
Vice Ganda Ibinuking Si Kim Chiu Sa Bago Nitong Lovelife!
Kamakailan lamang ay binuking ng It’s Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang co-host na…
Sassa Na-Realize Na Hindi Siya Perpektong Tao Matapos Makaharap Si Marian Rivera
Ibinahagi ng social media personality at aktres na si Sassa Gurl ang kanyang naging karanasan at mga natutunan nang…
Janice De Belen at Vanessa Del Bianco Dawit Sa Panghuhugot ng Asawa Ni John Estrada!
Lumilikha ngayon ng ingay sa social media ang sunod-sunod na makahulugang Instagram stories ng misis ng aktor na si John…
End of content
No more pages to load