Vice Ganda, nag-blind item tungkol sa aktor na nag-queerbait umano sa kanya.
Netizens suspect that the actor that Vice Ganda (left) is referring to in his “queerbaiting” story is Xian Lim (right).
PHOTO/S: Vice Ganda YouTube / @xianlimm on Instagram
GORGY RULA
Si Xian Lim ang itinuturo ng ilang netizens na pinatutungkulan umano ni Vice Ganda sa kanyang vlog na pinamagatang “QUEERtuhan with Iyah Mina, Sassa Gurl and Kaladkaren.”
Isang araw pa lamang na-upload ang latest vlog ng Unkabogable Star sa YouTube, pero umabot na ito ng halos 600,000 views, as of 8 P.M. ngayong Martes, July 1, 2025.
VICE GANDA ON “QUEERBAITING”
Isa sa napag-usapan nila ay ang “queerbaiting,” na ilang beses na raw naranasan ni Vice.
Wala siyang binanggit na pangalan, pero ikinuwento niya ang ginawang queerbaiting umano sa kanya ng isang kilalang aktor noong nagsisimula nang pumaimbulog ang pangalang Vice Ganda.
Nangyari raw ito noong miyembro pa lamang siya ng Hurados o panel of judges sa “Magpasikat” segment ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Vice Ganda (blonde hair) with Iyah Mina, Sassa Gurl, and Kalakdkaren
Photo/s: Vice Ganda YouTube
Lahad ni Vice: “Hindi naman sa pagmamayabang, nung umaangat-angat na ako nang konti, kanya-kanyang dikitan din.
“Sa Hurados table, ang dami kong naka-loveteam dun, e, basketball player, artista…
“Pero itong artistang ito… dikit-dikit siya, hinaharut-harot ako on air. So, loveteam-loveteam kami.
“Tapos ang liit ng following sa social media. In-introduce ko pa yan sa Twitter.
“Dumadami nang dumami yung followers niya sa harut-harot naming dalawa. Pumutok. Pumutok talaga yung pangalan niya.
“Ta’s nung pumutok yung pangalan niya, ni-loveteam [si aktor] sa isang sikat na artista.”
Pero nang nagkaroon daw ng ibang ka-loveteam ang sikat ang aktor ay hindi na umano siya pinapansin nito.
Pagpapatuloy ni Vice: “Nagkita kami sa isang event, birthday ng isang executive.
“So, dumating siya kasama bago niyang loveteam na sikat na artista.
“Pagdating, dinaanan ako. Hindi na ako pinapansin, hindi na ako tsinitsika.
“Tapos si Liz Uy [celebrity stylist] pa yung na-affect. Sabi niya, ‘Di ba, tsika mo si Chenelyn?’
“Sabi ko, ‘Oo.’
“‘Di ba loveteam-loveteam kayo? Ba’t hindi ka pinapansin, hindi ka kilala.’
“Deadma na lang ako.
“Ta’s, pinanindigan niya yun na nagkikita talaga kami sa mga ganun, mga premiere night, ta’s nagge-guest-guest… yung wala lang.
“Hindi ba tayo magkakilala, ni hi, ni ho, na parang hindi kami naging friends man lang? Yung ganun.
“Ayun! Nalaos… nung nawala dun sa loveteam.”
NOEL FERRER
Ang daming pumik-ap ng pahayag ni Vice, at pinag-usapan ito sa social media.
At karamihan sa hula nilang tinutukoy ni Vice ay si Xian Lim.
May mga nagkomentong “user” daw ang aktor, at kung anu-ano pang panlalait.
Hindi namin alam kung kaninong fans ang tila galit na galit sa aktor.
May nag-post din sa X ng isang article na na-quote pa si Xian, na wala raw roon si Vice Ganda nang dumating ang aktor sa event.
Ibig sabihin, hindi sila nagkita ni Vice sa sinasabing birthday party.
Pero hindi lang sa birthday na yun ang binanggit ni Vice Ganda, may iba pang pagkakataong nadedma raw siya ng isang aktor.
Naka-text ng PEP Troika ang ilang taong malapit kay Xian.
Ayon sa kanila, hindi raw nila alam ang tungkol doon.
Abala raw ngayon ang aktor sa mga raket nito, at sa pagpipiloto niya.
Talaga? Baka naman iba ang tinutukoy nila.
JERRY OLEA
“Laos” na ba si Xian Lim?
Bukod sa pagiging aktor at piloto, puwede rin siyang maging direktor, di ba?
Basta, hindi maitatatwang sikat pa rin si Vice Ganda.
Sa 8th EDDYS awards na gaganapin sa Hulyo 20 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City, pararangalan si Vice bilang isa sa Box Office Heroes ng 2024.
Kabilang din si Vice sa mga nominadong best actor.
Ang mga ito ay para sa MMFF 2024 entry niyang And The Breadwinner Is…, na mula Hunyo 13, 2025 hanggang ngayon ay nasa Top 10 Movies ng Netflix Philippines.
Di ba, Darling Chuk-chuk?
News
Dread in Manila: A Teen’s Daily Habit Ends in Disaster—What Doctors Found in Her System After Just One Milk Tea a Day Will Terrify Every Parent 😢
A recent heartbreaking case in the Philippines has thrown into sharp relief the hidden dangers lurking in our children’s favourite…
Atong Ang, Gretchen Barretto itinuturing na mga suspek sa ‘missing sabungeros’- DOJ
Ikinokonsidera ng Department of Justice (DOJ) ang negosyanteng si Atong Ang at Aktres na si Gretchen Barretto na suspek sa…
Babaeng magre-remit lang sana ng pera, sunog at naaagnas na ang katawan ng matagpuan
Babaeng magre-remit lang sana ng pera, sunog at naaagnas na ang katawan ng matagpuan Source: Youtube Sa mga oras na…
⚠️ Nais Niyang Magpadala ng Pera—Ang Nahanap ng Pulis Makalipas ang Ilang Oras ay Magmumulto sa Iyo Magpakailanman 😢 Isang Babae ang Nawawala sa Isang Simpleng Gawain—Pagkatapos Ang Kanyang Nasusunog, Naaagnas na Katawan ay Natagpuan sa Isang Nakakabigla na Lokasyon
Babaeng magre-remit lang sana ng pera, sunog at naaagnas na ang katawan ng matagpuan Source: Youtube Sa mga oras na…
Her Final Whisper Shook Everyone in the Room: What Lolit Solis Said Before Taking Her Last Breath Will Leave You in Tears 😢
Lolit Solis, nais pa na gumaling noon: “Wishing na sana gumaling ako agad” Si Lolit Solis, isang beteranong showbiz columnist…
HOT: Fans were shocked by the reason Christopher De Leon left his wife Andy Andolong, the truth behind it makes us heartbroken
SHOCKING REVEAL: Christopher de Leon Finally Speaks Out on Why He Left Wife Andy Andolong—The Truth Behind Their Split Will…
End of content
No more pages to load