Gretchen Barretto, nasa listahan ng sangkot sa missing sabungero?
“I cannot comment on that yet kasi we have to validate a lot of data.”
Ito ang sagot ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa news reporters na nagtanong tungkol sa paglutang ng pangalan ni Gretchen Barretto sa listahan ng mga sabungerong nakatakdang sampahan ng reklamo.
Nakapanayam si Remulla ng news reporters mula sa iba-ibang TV stations noong Lunes, Hunyo 30, 2025.
Nadawit ang pangalan ni Gretchen dahil sa nakakaintrigang pahayag ng isang Alias Totoy na napanood sa 24 Oras noong Hunyo 26, 2025, nang eksklusibo siyang makapanayam ni Emil Sumangil.
Ipinakilala ni Alias Totoy ang sarili bilang katiwala ng personalidad na nasa likod umano ng pagkawala ng mga sabungero mula pa Enero 2022.
Pahayag ni Alias Totoy: “Mayroong isang babaeng celebrity. Di ko muna papangalanan, at alam na nila yan.
“Kasama siya sa alpha member… Ibig sabihin, kasama siya sa grupo.”
Hindi nagbigay ng detalye at walang binanggit na pangalan si Alias Totoy, ngunit iginiit nitong kabilang ang female celebrity sa mga dapat sampahan ng kaso.
Online, mabilis kumalat ang espekulasyon sa tinutukoy ni Alias Totoy na “female celebrity.”
Dito na lumutang ang pangalan ni Gretchen, na sa hinala ng netizens ay siyang tinutukoy ng witness, dahil na rin marahil sa matagal na pagkakaugnay ng aktres sa isang malaking personalidad na nasa business ng sabong.
Ang pagpapakilala ni Gretchen sa tao ay siya niyang “business partner.”
Kasunod nito, naiulat sa online sites ng Bilyonaryo News Channel at Abante ang pagkakadawit ng pangalan ni Gretchen.
Sa panayam ni Sumangil, isinalaysay ni Alias Totoy na itinapon umano sa Taal Lake ang mga bangkay ng mga sabungerong nawawala.
Sa aspetong ito, sabi ni Remulla: “May nabasa akong statement. I don’t know if these are affidavits.
“Parang hindi pa siya fully sworn. Wala akong nakitang pirma sa nabasa ko, but he [Alias Totoy] must have probably one already.”
OTHER CELEBRITIES ALSO ALLEGEDLY INVOLVED
Inusisa rin kay Remulla kung may impormasyon siya sa ibang artistang sangkot umano sa maselang usaping inilabas ni Alias Totoy.
Sagot ng DOJ secretary: “Ah, more than that, marami pa. There are others… basta there are others.”
Samantala, sa entertainment industry ay pinag-uusapan ang mga rebelasyon ni Alias Totoy dahil sa pagkakadawit nito sa “babaeng celebrity” na hindi pinangalanan.
Lalong umingay ang kontrobersiya nang sabihin ni Remulla na “basta there are others,” patukoy sa iba pang showbiz personalities na idinawit sa mga rebelasyon ni Alias Totoy.
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang opisyal na pahayag si Gretchen Barretto sa pagkakaugnay sa kanya sa isyu.
Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa
News
The Women in Atong Ang’s Life: Over 3 Mysterious Figures Emerge—What They Allegedly Knew Will Leave You Speechless
Atong Ang is a name that has sparked intrigue, speculation, and fascination in the Philippine entertainment and political scenes. Known…
Terror Beneath Taal: 100 Men Vanish in Sabong Scandal—What Divers Found in the Lake Will Leave You Speechless
Divers searching the murky depths of Taal Lake may have unearthed more than just silt. Local reports and eyewitness accounts…
Buried Secrets Revealed: Filipino Scientists’ Discovery Stuns Experts—History Books May Never Be the Same
In a stunning revelation that has captured global attention, a team of Filipino scientists has made a groundbreaking discovery that…
Chaos in Manila: VP Sara Faces Impeachment Storm—What Sen. Ejercito Warned About the Economic Fallout Will Alarm You
VP Sara impeach trial may disrupt economic priorities – Ejercito Vice President Sara Duterte holds a press conference at the…
Devastating Twist: JM de Guzman Rushed to Hospital as Donnalyn Bartolome Breaks Down—Fans in Shock Over What Happened
The entertainment world is reeling after actor JM de Guzman, known for his charismatic roles and recent comeback, was hospitalized under alarming…
Dramatic Courtroom Takedown: Atty. Topacio’s Testimony Video Shocks Risa Hontiveros — Is This Her Moment of Reckoning?
In a stunning development that has captured the attention of political observers and the public alike, high-profile lawyer Ferdinand “Atty.”…
End of content
No more pages to load