Gene Padilla nasaktan, Dennis pinaupo sa tabi ng mga ninong sa kasal ng sariling anak

PAGKATAPOS maglabas ng aktor na si Dennis Padilla ng sama ng loob sa kanyang Instagram account tungkol sa ginanap na kasal ng anak na si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo ay kahapon, Abril 8 ay heto at sumunod naman ang kapatid niyang si Gene Padilla.
Sa kanyang IG account inihayag din ni Gene ang senaryo sa ginanap na kasal ng pamangking si Claudia kay Basti.
Aniya, “Ngayon lang po ako magsasalita…by 1PM nasa church na po ako… galing Bulacan going to Alabang… si mama po namin 5am gumising na excited same kay Kuya Dennis Padilla para sa kasal ng anak niya.
“Ngayon lang ako naka-witness ng kasal na di part ng program ang ama ng bride, sa aga namin dun… na nandu’n mga event organizer wala man lang nagsabi na di siya part ng program.
“Di kasama sa entourage na maglalakad sa gitna papuntang harapan ng altar…nagtanong kami kung san uupo ang nanay namin ang sabi kahit saan dun at ‘yung ama du’n na lang DAW sa tumabi sa mga ninong kaya kami ni kuya Dennis pumunta na lamang sa likuran.
“Napaluha at napaiyak si kuya sa mga nangyari kaya sabi ko umuwi na tayo after ng simbahan at pa-picture na lang sa kinasal. Naawa din ako sa nanay ko kasi naiyak na rin, naramdaman ko ‘yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama din ako.
“Ang tagal na panahon na nanunuyo at nahingi ng atensyon ama niyo sa inyo mga anak, ‘yan ba itinanim ng mga nakapaligid sa inyo. Puro kayo karangyaan at kasikatan sa inyo na lahat yan… sanay kami sa hirap at di talaga kami nababagay sa inyo pero pinagkaiba namin sa inyo ay ‘yung puso namin at dignidad di niyo kaya pantayan kahit magtanong kayo sa ibang magulang tama ba o mali ang ginawa niyo sa tatay niyo???
“Dennis Dominguez Padilla Cheeni Taa Samuel Baldivia di pala father of the BRIDE! Guest of the BRIDE!!”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nasa 345 na ang komento sa post na ito ni Ginoong Gene Padilla at ang ilang nabasa namin mula sa netizens.
“Hay nako paawa na naman… Ama nga pero nagpaka-ama ba? Hindi naman maganda relasyon nilang dalawa, patuloy pang inaayos.. The fact na inimbita sya sa isa sa napaka-importanteng araw ng magkasintahan ay isang malaking hakbang na papunta roon. Pero hindi nakatiis at nagparinig pa rin talaga sya. Mas inisip pa rin nya ang damdamin nya kesa sa damdamin ng anak nya. Napaka makasarili. Hindi nya maisip kung san sya nagkamali? Mukhang hindi na sya maiimbita sa kasal ng iba pa nyang anak….”
Sinagot ni Gene ang komentong ito, “wala ka alam sa kabuuan ng mga pangyayari mula’t mula wag ka sumawsaw!”
“Totoo, sana i-cut off nang tuluyan nila Julia, Claudia, at Leon etong si Dennis.”
Sagot ng netizen kay Gene, “ Ayaw nakikisawsaw mga tao pero nag-PUBLIC post at open sa PUBLIC ang comments? Make it make sense.”“Ayaw mo may sumawsaw pero post kayo ng post publicly at ayaw i-setlte ng private. Di po nag me make sense statement niyo.”
“Kung ayaw n’yo pinakapakialaman ‘yung buhay n’yo, edi sana hindi nyo pinopost. Ngayong di naaawa mga tao sa inyo, nagagalit kayo hahahaha sana di na lang pala kayo um-attend. Panira lang kayo sa moment ng mag-asawa.”
“Even Stevie Wonder can tell that you and your brother are toxic asf. The groom is better than me. I’d have both of you thrown out like Jaz in fresh Prince.”
Mukhang hindi rin nakuha ni ginoong Gene ang simpatiya ng netizens tulad ng nangyari kay Dennis n asana hindi na lang nag-post para walang isyu at stress on both sides.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load