Matet de Leon feels “betrayed” by mother Nora Aunor
bursts into tears after finding out mother Nora Aunor directly competing with her business
Matet de Leon: “Bakit ba ako naba-bad trip nang sinend niya sa akin yung mga tuyo niya, ‘tsaka mga tinapa niya? Kasi meron ako nito. Meron ako nito, o, tuyo, meron din akong tinapa.”
PHOTO/S: Courtesy: Matet de Leon Estrada on YouTube
Pakiramdam ni Matet de Leon ay natraydor siya pagkatapos tapatan ng inang si Nora Aunor ang kanyang gourmet tuyo at tinapa business.
Si Matet ay isa sa apat na adopted children ni Nora. Ang iba pang mga ampon ng National Artist at Superstar ay sina Lotlot de Leon, Kiko de Leon, at Kenneth de Leon.
Ang nag-iisang biological child ni Nora ay si Ian de Leon, na anak niya sa dating asawang si Chrisopher de Leon.
Sa YouTube live video ni Matet nitong Linggo ng gabi, December 4, 2022, inilahad ng aktres ang kanyang pagkagulat nang malamang direktang kinalaban ng ina ang negosyo niya.
Pero paglilinaw ni Matet, hindi siya sigurado kung si Nora mismo ang may desisyon nito o isang taong malapit dito.
Kuwento niya, “Nung Wednesday [November 30], natutulog ako, ang sarap ng tulog ko nung hapon, grabe yung siesta.
“Paggising na paggising ko, si Mommy, meron siyang message sa akin.
“Siyempre pag si Mommy nag-message sa akin, ‘Ay, nag-message si Mommy, anong kailangan ni Mommy, kailangan kong attend-an yung pangangailangan ng mommy ko.’
“Ayun, unang-una kong nakita yung mga sinend ng mommy ko na mga produkto nga niya. Naloka ako talaga, as in, nag-hyperventilate ako.
“Kasi pagdilat na pagdilat ng mata, chineck ko yung phone ko kung anong oras ako nagising, pagkita ko, yun ang message niya sa akin.
“So, hindi ko pa alam kung anong rason kung bakit pa niya sinend sa akin yung pictures na yan, no, kasi hindi ko na siya gustong kausapin.”
Kasunod nito ay sinabi ni Matet ang dahilan kung bakit “bad trip” siya sa ipinadalang mensahe ng ina.
“Bakit ba ako naba-bad trip nang sinend niya sa akin yung mga tuyo niya, tsaka mga tinapa niya? Kasi, meron ako nito. Meron ako nito, o, tuyo, meron din akong tinapa.
“Alam ni Mommy ito, alam niya ito na meron ako nito,” sabi niya.
“BAKA MAPAISIP DIN NAMAN SI MOMMY…”
Nang natuklasan ni Matet na may balak maglabas ng produkto ang ina na gaya ng sa kanya, hindi raw siya kaagad nag-post ng sama ng loob dahil hindi niya lubos-maisip na kukumpitensiyahin siya nito.
Aniya, “So, hindi ko alam kung bakit napagdesisyunan nila na gumawa ng sarili nilang brand.
“Hindi ko po talaga alam kung bakit sila gumawa ng sarili niya, okay lang. Hindi ako nag-post sa Instagram, hindi ako nag-post sa Facebook kong bago, yung Matet.”
Dagdag niya, “Iniyak ko lang, tinawagan ko ang ate ko [Lotlot], tinawagan ko ang kuya ko [Ian de Leon]. Pero yun nga, hindi ko para i-post pa dun kasi family matter nga siya.
“Tsaka hindi pa naman inilabas ni Mommy. Baka mapaisip din naman si Mommy na, ‘Wag, wag ko namang gawin sa anak ko yan,’ di ba?
“E, kaso, hindi ko alam kong anong nangyari, may mga nag-post kagabi [December 3] na nakita ng asawa ko, kung saan member siya ng grupo, kung saan kasama itong napakalapit na nag-aalaga kay Mommy, kilala niyo na yan kung sino yan.
“Nag-post, nag-post, nag-post dun. Kinomentan nitong malapit kay Mommy kasi naloka yung mga tao na, ‘Ay, ano to? ‘Bat ganyan, di ba meron na si Matet niyan?’”
Posibleng ang tinutukoy ni Matet na “nag-aalaga kay Mommy” ay ang longtime companion ni Nora na si John Rendez.
May details na raw ang mga produkto ni Nora at kung magkano ibebenta.
Hindi raw akalain ni Matet na tototohanin ng ina na kakalabanin nito ang kanyang produkto.
Ang malapit na tao kay Nora at nakatira sa bahay ng Superstar ang nagsabi sa group chat na alam daw ni Matet na magtatayo ng kaparehong negosyo ang ina.
Pinabulaanan ito ni Matet.
“KAPATID BA KITA?”
Sa Instagram post ni Matet kahapon din ay ibinahagi niyang may nagsabi sa kanyang mag-reseller na lang ng produkto ng ina.
Pero hindi niya tinukoy kung sino ang nagsabi nito sa kanya.
Pero sa kanyang YouTube live, sinabi ni Matet na ang kapatid niyang si Kenneth ang nagsabi nito sa kanya.
Saad ni Matet, “Ito pa. Itong kapatid kong si Kenneth, kapatid ba kita? Impakto ka. Siraulo yun, e. E, hindi ko nga kapatid kasi ampon lang.
“Sabi ba naman, kung gusto daw ni Mommy magnegosyo, pabayaan ko na lang daw. Mag-resell na lang daw ako ng product ni Mommy at magtulungan kami.”
Punto ni Matet, matagal na nilang negosyo ng asawa niyang si Mickey Estrada ang gourmet tuyo and tinapa.
Diin niya, “Bakit kami sasabihan na mag-resell na lang kami?”
Hindi raw niya ito matanggap.
Hindi rin daw siya nasabihan tungkol sa gagawing negosyo ng ina.
“I FEEL BETRAYED”
Kasunod na ibinahagi ni Matet ang diagnosis sa kanya na pagkakaroon ng bipolar disorder.
Ang mga may bipolar disorder daw ay may sobrang lungkot na nararamdaman. Kaya imadyinin na lang daw kung gaano siya kalungkot sa pangyayari.
Imbes daw na suportahan siya ay kinakalaban pa siya.
Pahayag ni Matet, “How do I feel about it? I feel very sad. I feel betrayed.
“Para akong trinaydor. Para akong… grabe, ampon na ampon yung pakiramdam ko ngayon mga tol.
“Ang lakas makaampon nung ginawa nila. Ang lakas makaampon, damang-dama ko pagkaampon ko.”
Giit niya: “Walang gagawa ng ganito sa anak nila. So, ibig sabihin nito, hindi talaga ako tinatratong anak.
“Hindi niya gagawin ito kung mahal niya kami, ngayon ko lang na-realize.”
Alam naman daw ni Matet na magagalit na naman ang Noranians sa kanya pati sa kapatid na si Lotlot. Pero kaya raw siya nagtayo ng negosyo ay dahil tumutumal ang trabaho sa showbiz.
Tanggap din daw nilang hindi sila ang pinaglalaanan ng pera ng ina.
Inamin ni Matet na may mental illness siyang nilalabanan din araw-araw.
Wala raw siyang kasalukuyang ginagawang proyekto sa showbiz kaya ang negosyo nila ang kanilang inaasahan sa ngayon.
Bandang ika-26 minuto ng kanyang YouTube live ay hindi na napigilan ni Matet ang maiyak.
May nagsabi raw sa kanyang sana ay maayos ang gusot nila ng ina.
Pero sabi ni Matet, “Parang hindi na ho, kasi hindi ko alam kung paano mo yan magagawa sa anak mo?
“Hirap na hirap kaming magkakapatid, hirap na hirap po kami. Ang ate ko, yung kuya ko, paulit-ulit na lang.
“Kapag may ginawa si Mommy sablay, tapos pumalag kami, sasabihin niyo wala kaming kuwenta. Ano ba? Anong gusto niyong gawin namin dito? I don’t understand.
“Para kaming nakatali, para kaming nakabusal na sinasampal-sampal niyong lahat.
“Nakatali kami, wala kaming puwedeng gawin, nakabusal kami, wala kaming puwedeng sabihin, sinasampal-sampal niyo kami, wala kaming kuwentang ampon.”
Ipinagtapat din ni Matet na binlock na niya ang ina sa social media.
Samantala, wala pa ring pahayag ang kampo ni Nora kaugnay ng isyung ito.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load