Masayang ibinahagi ng adopted daughter nina Nora Aunor at Christopher De Leon na si Lotlot De Leon, na sa wakas ay nakilala na niya ang kanyang biological father sa Olongapo, kung saan siya ipinanganak.
Noon pa man ay alam na ni Lotlot na ampon lamang siya nina Nora Aunor at Boyet De Leon.
“Didn’t knew what it meant before until my mom sat with me one day and explained. She said the difference between me and Ian was that my brother came from her stomach, I was a gift from above. (Mom pointing at mama Mary the statue.),” pagbabahagi ni Lotlot.
“Cried for hours after that. Not because I didn’t know who my real parents were but because I wanted to be like Ian too, na galing din sa stomach nya because I love my mom so much gusto ko totoong anak din nila ako ni dad.”
Sa kabila ng kaalamang ito ay hindi siya nagtanim ng masamang loob sa kanyang mga totoong magulang at ipinagdasal pa na makilala ang mga ito balang araw.
Matapos ang ilang taon, nagpunta si Lotlot sa Municipal Hall ng Olongapo upang magtanong-tanong kung may nakaalala pa ba sa kanyang mga magulang.
“Since sa olongapo nga ako pinanganak. Sabe ko suntok sa buwan I’ll ask kung may alam sila sa totoong tatay ko. I was able to speak to someone who accommodated me and since alam ko na name ng father ko I gave the details of the information I had.”
Matapos ang ilang araw ay nakatanggap umano siya ng buong pangalan ng pinaghihinalaang ama niya.
Sinubukan umano niyang mag-email rito upang magtanong kung ito ba ang kanyang ama.
“I wrote.. ‘Hi Mr. Olson, my name is Lot de Leon, my biological moms name is Eva Rodriguez.. are you my father?’ Something like that, then he replied and said. ‘Yes, I know who you are.’ ‘I’ve always known about you I carried you in my arms when you were born.’ My jaw dropped & the rest is history,” pagbabahagi ng aktres.
Lubos naman na ang pasasalamat ngayon ng aktres sa mga kabutihang naganap sa kanyang buhay lalong-lalo na ang pagkikita nila ng kanyang totoong ama.
News
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
Daniel Padilla Pinagbawalan Si Kathryn Bernardo Na Makatambal Ulit Si Alden Richards Sa Pelikula!
Binalikan ng maraming mga netizens ang naging isyu noon patungkol sa pagbabawal umano ni Daniel Padilla sa kanyang nobya…
Dahilan Kung Bakit Dumami Ang Mga Ampon ni Nora Aunor
Hindi man sila galing sa kanyang sinapupunan, buong puso at walang pag-aalinlangang minahal at itinuring na tunay na mga…
Dianne Medina Nanganak Na! Nagawa Pang Maghost Ng Isang Grand Event Ilang Oras Bago Mismo Manganak!
Nang mainitang sinalubong nina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang kanilang pangalawang sanggol, isang makulay na pagdiriwang ang inihanda…
Boy Abunda, Nabahala Sa Pagkakasangkot ng Mga Endorser sa Mga Kaso ng Investment Scam
Kinumpirma ni Boy Abunda, ang kilalang King of Talk at talent manager, na mayroong warrant of arrest ang kanyang…
Nora Aunor Hindi Inakala Na Magagawa Ito Ng Kanyang Mga Anak Sa Kanya
Noon pa man ay nasasangkot na ang pamilya nina Nora Aunor sa mga kontrobersiya dala ng kanilang mga family…
End of content
No more pages to load