Trina and Carlo share a daughter, Enola Mithi, who was born back in 2020.

Trina Candaza on co-parenting with Carlo Aquino

Trina Candaza (left) discloses that her co-parenting set-up with former partner Carlo Aquino (right) has been “good and civil.”
PHOTO/S: Trina Candaza/Carlo Aquino on Instagram

Maayos ang co-parenting set-up ng dating magkarelasyon na sina Trina Candaza at Carlo Aquino.

Ito ang siniguro ni Trina sa kanyang follower na nagtanong tungkol sa napagkasunduan nila ng aktor sa pagpapalaki sa anak na si Enola Mithi Candaza-Aquino, 4.

Noong April 15, 2025, nagkaroon ng question-and-answer session si Trina sa kanyang Instagram Stories.

Isang tagahanga ang nagtanong sa kanya ng, “How’s co-parenting and co-parenting tips?”

Ang mabilis na sagot ni Trina, “Good and civil.”

TRINA GIVES Tips for other parents who will be co-parenting as well

Bukod pa rito, nagbigay din ng advice si Trina sa mga magulang na kagaya niyang may co-parenting set-up sa ex-partner.

Sa mga pagsasamang nauwi sa hiwalayan at may batang sangkot, napakahalaga ng maayos na kasunduan at smooth-sailing na pakikitungo sa isa’t isa.

Hindi man mauwi sa pagbabalikan o maging sa pagkakaibigan, importante ang presensiya ng ama at ina sa buhay ng kanilang anak.

Sa kaso ni Trina, isa raw ang kanyang napagtanto—ito ay ang palaging pagkunsidera sa kapakanan ng bata, pagdating sa kanyang mga gagawing desisyon.

Saad niya (published as is): “Before making a decision or saying something, ask yourself.

“1. Is this truly in my child’s best interest

“2. Will this make her happy

“3. Will she gain something positive from this?”

Dagdag ni Trina, minsan ay may mga magulang na nadadala ng sariling damdamin kaya nakakagawa sila ng desisyong makakaapekto sa anak.

Aniya (published as is): “Sometimes, we convince ourselves that our decisions are what’s best for our child, but in reality, they’re influenced by our own emotions.

“We try to justify them as being for the child’s good, even when they might not be. Know the line between what’s truly best for them and what we feel.

“Sometimes there are things that will hurt us but it’s the best for our children.”

Trina Candaza on co-parenting with Carlo Aquino

Photo/s: Trina Candaza on Instagram

TRINA’S BREAKUP WITH CARLO

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang hiwalayan noon nina Trina at Carlo makaraan ang ilang taon nilang relasyon.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Trina noong January 2023, ipinagtapat niyang naghiwalay sila ni Carlo noong December 2021.

Siya raw ang umalis sa tinitirhan nila noon ni Carlo.

Naikubli raw nila ito ng ilang buwan bago tuluyang lumabas sa publiko.

Bagamat nagkaroon siya ng mga cryptic posts, ayaw raw niyang isiwalat ang dahilan ng hiwalayan dahil baka balang araw ay mapanood o mabasa ng anak nilang si Mithi ang panayam.

Pag-amin niya, naging “toxic” din siya noon sa kanilang pagsasama, na maaaring isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkalabuan ni Carlo.

Saad ni Trina, “I can admit that ang toxic ko that time, but I tried to be positive para sa anak namin.”

Hanggang napagtanto niyang hindi na magwu-work ang relasyon.

At sa loob ng isang taon, naging single sila pareho.

CARLO’S NEWFOUND ROMANCE

Makaraan ang mahigit isang taon nilang pagiging single, nakahanap si Carlo ng bagong pag-ibig: si Charlie Dizon.

December 2022 nang magsimulang ma-link ang dalawa.

Noong June 9, 2024, napagdesisyunan nina Carlo at Charlie na i-level up ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpapakasal.

Base sa mga nakaraang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mukhang naging maayos ang relasyon ni Charlie kay Trina.

Sa katunayan, ilang beses nang naispatan ang misis ni Carlo na kasa-kasama si Mithi.

Charlie Dizon steps into her new role as stepmom to baby Mithi - daughter of Carlo Aquino and Trina Candaza - in new bonding photos

Charlie Dizon (center) steps into her role as a stepmom to baby Mithi, the daughter of husband Carlo Aquino (left) and his ex-partner Trina Candaza.