“Paalam, hanggang sa muli nating pagkikita.”
Ganito winakasan ni Kris Aquino ang kanyang napakahabang open letter para sa kanyang yumaong kapatid, ang dating pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino.
May kalakip na video ang nasabing sulat. Makikita naman sa video na lalong pumayat si Kris Aquino at tila buto’t balat na lamang ito.
Nagmistulang bata si Kris na nagsusumbong sa kanyang kuya sa liham nito para kay Noy. Sinabi ng Queen of All Media sa sulat ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya ngayon. Ikwinento rin ni Kris sa nasabing sulat ang mga updates sa kanyang pagpapagamot sa US.
Naibahagi rin ni Kris ang isang nakakalungkot na pangyayari, tinamaan ng Covid-19 ang panganay niyang anak na si Josh. Ang mas nakakalungkot ay hindi niya ito maaaring lapitan. Sa kabila ng pag-iingat nagpositibo rin si Kris sa Covid-19 sumunod naman ang isa pang anak ni Kris na si Bimby. Nangyari umano ito ilang araw bago ang death anniversary ng dating pangulong Noy.
Pagbibiro pa ni Kris, hindi naman siguro nanaisin ng kanyang kapatid na magkakapareha ang death anniversary nila. Sa kabila naman nito, nagmamakaawa si Kris sa kanyang yumaong kapatid na gabayan at tulungan siyang malampasan ang lahat ng pinagdadaanan niya ngayon. Dahil siya na lamang ang mayroon para sa kanyang mga anak.
Inamin din ni Kris na mahabang gamutan ang kailangan niya at iisa lang ang pag-asa niya. Gayunpaman, gagawin niya ito, isang uri ng chemotherapy. Kapag kinaya niya ang komplikasyon, aabutin umano ng 8 weeks ang gamutan niya. 4-5 months na pahinga at isa uling chemotherapy.
Batid umano ni Kris na maraming pinagdadaanan ang lahat ngayon, at ayaw na niyang maging pabigat pa. Kaya naman, nagpaalam na muna siya, ito na umano ang huling maririnig mula sa Queen of all Media. Ngunit nangangako si Kris na ipapaalam niya kung sakaling hindi na niya kaya.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load