Agad na sinagot ni Sharon Cuneta ang banat ng ilang mga netizens tungkol sa pagiging sipsip umano niya kay Coco Martin matapos ang ipinahayag niyang reaksyon sa pag-amin nito sa totoong relasyon nila ni Julia Montes.
May ilang mga netizens na kaagad binanatan si Sharon at sinabihang nakikisipsip sa actor-director upang makasama sa teleserye nitong Ang Batang Quiapo.
Kamakailan lamang ay ibinahagi ni ni Sharon Cuneta sa kaniyang Instagram account ang larawan nina Coco Martin at Julia Montes nang dumalo sila sa screening ng ABS-CBN-GMA Network-Viu Philippines collab series na “Unbreak My Heart kamakailan, kung saan umamin ang dalawa na 12 years na silang nagsasama.
“Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!! 😂🙏🏻💖💖💖 Happy si Mommy ‘mysha!🥰🥰🥰@montesjulia08 @cocomartin_ph.”
“I became close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’s Ang Probinsyano towards the end of 2021. Whatever they may have gone through together, well, it all seems to have been for the best because they are so good to and for each other.”
“They are happy and that makes me and so many others happy. I love them both very much – and no matter what, my friends know that I am protective and loyal and supportive – and that certainly will not change! I believe people should focus on what is and what will be rather than what was. Let’s all be happy with our own lives and be happy for them!” caption ni Sharon sa kanyang post.
Matatandaang naging bahagi noon si Sharon Cuneta sa matagumpay na teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal sa ere ng pitong taon.
May isang netizen naman ang nagkomento at hayagang sinabihan si Sharon na nakikisip-sip upang matulungan ni Coco Martin at makasama sa Batang Quiapo.
“Ok sige.. sipsip pa more baka sakaling isama ka ni Coco sa Batang Quiapo.”
Hindi naman ito pinalamapas ni Sharon Cuneta at kaagad na sinagot.
“Excuse me? Saang planeta ka lumaki?”
“May sarili akong mga trabaho. Busy ako.”
Dagdag pa ni Sharon, “Ewan ko kung ilan pa kayong parang walang alam. Sa probinsyano ako ang inimbita di ako nagpresenta ng sarili ko, yun ay para makatulong hindi para matulungan.
“Dalawa parating kong teleserye at may movies ako. Lumagay ka sa tama. Sa lahat ng nakakainis sa aming mga artista yung wala nang alam bastos pa.”
Dahil sa hayagang bwelta ni Sharon, hindi na nakapagkomento pa ang basher.
News
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
Daniel Padilla Pinagbawalan Si Kathryn Bernardo Na Makatambal Ulit Si Alden Richards Sa Pelikula!
Binalikan ng maraming mga netizens ang naging isyu noon patungkol sa pagbabawal umano ni Daniel Padilla sa kanyang nobya…
Dahilan Kung Bakit Dumami Ang Mga Ampon ni Nora Aunor
Hindi man sila galing sa kanyang sinapupunan, buong puso at walang pag-aalinlangang minahal at itinuring na tunay na mga…
Dianne Medina Nanganak Na! Nagawa Pang Maghost Ng Isang Grand Event Ilang Oras Bago Mismo Manganak!
Nang mainitang sinalubong nina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang kanilang pangalawang sanggol, isang makulay na pagdiriwang ang inihanda…
Boy Abunda, Nabahala Sa Pagkakasangkot ng Mga Endorser sa Mga Kaso ng Investment Scam
Kinumpirma ni Boy Abunda, ang kilalang King of Talk at talent manager, na mayroong warrant of arrest ang kanyang…
Nora Aunor Hindi Inakala Na Magagawa Ito Ng Kanyang Mga Anak Sa Kanya
Noon pa man ay nasasangkot na ang pamilya nina Nora Aunor sa mga kontrobersiya dala ng kanilang mga family…
End of content
No more pages to load