Matapos isiwalat ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang totoong kalagayan niya ngayon habang patuloy na lumalaban sa kanyang mga sakit, may napansin ang mga netizens sa ginagawa ni Kris Aquino.
Ayon sa ilang mga netizens, napansin nila na palaging kasama ni Kris Aquino sa mga ibinabahagi niyang mga larawan sa social media na palaging katabi niya ang kanyang mga anak.
Tila hindi umano pinapalampas ni Kris Aquino ang pagkakataon na makasama at maalagaan pa niya sina Joshua Aquino at Bimby Aquino. Marami naman ang lalong naawa kay Kris Aquino dahil maaring hindi na niya makasama ng matagal ang kanyang mga anak.
Marami rin ang humihiling na sana ay malampasan ni Kris Aquino ang matinding pagsubok na ito patungkol sa kanyang kalusugan. May mga humahanga rin kay Kris dahil sa pagiging matatag at matapang nito sa pagharap sa kanyang mga karamdaman.
Matatandaan na naging emosyunal si Kris Aquino nang aminin niya ang kanyang totoong kalagayan at humiling sa mga netizens na sana ay tulungang siyang manalangin na mabigyan pa ng mahabang oras para makasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay.
Hiniling rin ni Kris Aquino na gusto pa niyang makitang mag-18 years old ang kanyang anak na si Bimby Aquino na kasalukuyan ay 16 years old pa lamang.
Inamin rin ni Kris Aquino na hindi pa siya handang iwan ang kanyang mga anak lalo na si Josh na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may special na pangangailangan.
Marami sa mga netizens ang nagsasabing tila sinusulit umano ngayon ni Kris Aquino ang pagkakataon na makasama ang kanyang mga anak kahit pa sa pagtulog dahil marami na rin siyang mga restrictions dala ng maselan niyang kalusugan.
“Please help me pray for my doctors and my nurses so that God will continue to guide them as they try to heal me. I have always believed in sharing the TRUTH no matter how painful with all of you. Why? Because sinamahan nyo ako sa laban. Sana wag tayong sumuko sa ating pananampalataya na nakikinig ang Diyos sa mga Dasal ng buo ang tiwala sa Kanya,” panalangin ni Kris Aquino.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load