Tila hindi na nakapagtimpi si Vice Ganda at sinagot na ang mga isyu na ibinabato sa kanila ng mga co-hosts niya sa It’s Showtime.
Matatandaang hindi sumipot si Vice Ganda sa grand finals ng Miss Q and A Kween of the Multibeks sa It’s Showtime noong Sabado.
Ayon sa Tweet ng netizens, “Ano ba problem ms vice? Bakit natitiis mo Kaming nga followers mo at ang viewers ng showtime. Finals last Saturday siguro naman kahit may shooting pwede Kang payagan ng producer na mag absent kahit one day Lang. Siguro nga totoo na Hindi na kayo ok ng mga cast ng showtime.”
Agad namang itong ni-retweet ni Vice at sinagot ang paratang nito.
“Totoo po lahat ng mga nasa isip n’yo. Wala naman po talagang dahilan kung bat ako absent last sat. Tinamad lang ako talaga. At totoong may mga issues kami ngayon sa showtime. Ang cast at ang direktor. At oras na para ipaalam ko sa inyo ang mga nangyayari para matapos na,” unang tweet ni Vice.
“Una, TOTOONG MAGKAAWAY KAMI NI ANNE. Matagal na tong alitan na to na di naayos. Its been 13yrs na di maresolve ang issue kung sino samin ang chaka. And last week nga ay umabot na sa sampalan. Nalunok nya ang kamay ko at till now di ko pa nababawi. I hate anne for life!”
“Pangalawa, last week nagsapakan si Jhong at si Ion. Magpartner kasi sila sa Magpasikat at hirap na hirap si Ion na magchoreo dahil mabagal pumick up ng sayaw si Jhong. Di makuha ni Jhong ang step ng LintikNaPagIbig at napikon na si Ion at nagpang abot sila.”
“Pangatlo, NAGMURAHAN SI TEDDY AT RYAN SA STUDIO. Nagpakulot kasi si Teddy sa Salon ni Ryan. Nangako si Ryan na maganda ang kalalabasan nito. Pagtapos magpakulot ay dumiretso na si Teddy sa studio ng masaya naman. Pagkita ni Ryan ay nagsorry ito. Ayun minura sya ni Teddy.”
“At eto na nga ang pang apat at pinakamalaking issue na kinakaharap ngayon ng showtime. Sinubukan nilang itago ito pero alam ko namang lalabas din sa takdang oras. Madlang People…….nabuntis ni Direk Jon Moll si Jugz.”
Idinagdag din ni Vice ang diumano’y pagkakaroon niya ng contract signing sa mga susunod na linggo.
“Ayan po ang mga dahilan ng mga away at kaguluhan sa showtime. Tama ang mga nasa isip nyo. Kaya naman tamad na tamad nakong pumasok. At dahil dyan gusto ko ng magresign. At dahil gusto ko ng magresign ay may contract signing po ako next next week. Ok na po?? Happy?? 🤪.”
Sa huli tila nagpahiwatig si Vice na babalik na siya sa It’s Showtime sa darating na myerkules.
“Happy 13’th Anniversary It’s Showtime!!! See u Wednesday! Miss u and love u!!!”
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load