Ikinadismaya ng mga fans ni Francine Diaz ang ginawa ng It’s Showtime host na Vice Ganda sa kanilang idolo kung saan tila pinagtawanan umano nila ito sa isang event sa Pampanga, partikular na ang pinag-uusapang isyu ngayon sa pagitan nina Francine Diaz at bandang Orange and Lemons.
Sa nasabing event, pinagsabihan ni Vice Ganda ang kanyang co-host sa It’s Showtime na si Anne Curtis, bilang pabiro at hiniling sa rito na huwag laktawan o sumingit sa linya ng mga artista na magpeperform.
“Si Anne Curtis dapat mamaya pa siya, pero ewan ko sumingit siya sa pila ng mag peperform. Kaya Anne Curtis respect naman please. Respect naman sa artist,” pabirong pahayag ni Vice Ganda.
Kaagad namang napansin ng maraming mga netizens partikular na ang mga tagahanga ni Francine Diaz na tila sadya umanong ginaya ni Vice Ganda at Anne Curtis ang sapawan isyu sa pagitan ng Orange and Lemons at ni Francine Diaz.
Matatandaang nag-viral sa social media ang Kapamilya actress na si Francine Diaz matapos itong mag-perform sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro.
Ang biglaang pag-akyat ni Francine Diaz sa stage ay naging sanhi ng pag-walk out ng OPM band na Orange at Lemons, dahil pakiramdam umano nila ay binatos at hindi sila nirespeto ni Francine Diaz gayung nauna naman sila sa stage at nauna rin sila sa listahan ng mga magpeperform.
Ayon sa mga organizer ng event, hiniling sa kanila ni Francine na mag-perform nang mas maaga, at habang binibigyan nila ito ng signal, hindi nila naipaalam sa bandang Orange and Lemons ang biglaang pagbabago ng schedule gayung naghahanda na ang banda sa kanilang mga gagamiting instrument.
Dapat ay 2 A.M pa mag-perform si Francine Diaz, ngunit humiling itong mag-perform isang oras bago ang kanyang orihinal na schedule na nakatakda naman sa performance ng Orange at Lemons.
News
Kris Aquino suffers from lupus flare fever, shows visible spine: ‘My now’
Kris Aquino. Image: Instagram/@krisaquino Kris Aquino revealed her “pain and struggle” amid suffering from lupus flare fever for over two weeks…
Kahit Nahihirapan Na! Kris Aquino Gumawa Pa Rin Ng Sulat Na Ikinabigla Ng Lahat
Kris Aquino is currently suffering from her illness at talaga namang nagpapahirap sa kanya. Lalo na’t galing mismo dito…
Janine Gutierrez Nagsalita Na Sa Viral Video Nila Ni Jericho Rosales Na Naghahalikan!
Si Janine Gutierrez, isang kilalang aktres sa Kapamilya network, ay nagbigay-linaw sa mga bali-balitang kumakalat na naghalikan sila ni…
Vice Ganda Ibinuking Si Kim Chiu Sa Bago Nitong Lovelife!
Kamakailan lamang ay binuking ng It’s Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang co-host na…
Sassa Na-Realize Na Hindi Siya Perpektong Tao Matapos Makaharap Si Marian Rivera
Ibinahagi ng social media personality at aktres na si Sassa Gurl ang kanyang naging karanasan at mga natutunan nang…
Janice De Belen at Vanessa Del Bianco Dawit Sa Panghuhugot ng Asawa Ni John Estrada!
Lumilikha ngayon ng ingay sa social media ang sunod-sunod na makahulugang Instagram stories ng misis ng aktor na si John…
End of content
No more pages to load