Inihatid na kahapon ang labi ng Veteran Actress na si Ms. Susan Roces sa kanyang huling hantungan kahapon, May 26, 2022. Ito ay sa Manila North Cemetery kung saan nakalagak rin ang labi ng kanyang yumaong asawang si Fernando Poe Jr.
Sa kabila ng pagluluksa ng buong pamilya ng yumaong Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces ay hindi maiwasang mapag-usapan ng ilan na bukod sa mga naiwang mga pamilya ng beteranang aktres ay may mga naiwan din itong yaman na bunga ng kanyang paghihirap at pagtatrabaho ng matagal sa mundo ng showbiz.
Marami ang nacu-curious kung kanino nga ba mapupunta ang mga yaman ng yumao. Usap-usapan ngayon ang tungkol sa last will and testament ni Ms. Susan Roces para kina Sen. Grace Poe at aktres na si Lovi Poe. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Lovi Poe ay anak ni Mr. Fernando Poe Jr. sa dati nitong kinasama na si Ms. Rowena Moran. Ngunit, mula nang mamaalam ang ina ni Lovi ay ang beteranang aktres na din na si Ms. Susan Roces ang tumayong ina nito.
Usap-usapan ngayon ngayon na kay Sen. Grace Poe at sa kapatid nitong si Lovi Poe maiiwan at ipagkakatiwala ang lahat ng kayamanang naiwan ng yumaong aktres kasama na rin ang mga naiwan yaman ng Mister nito na si Fernando Poe Jr.
Samantala, lahat ng ito ay nananatiling usap-usapan pa lamang. Lalo pa’t wala pang inilalabas na official statement ang pamilya ni Ms. Susan Roces pagdating sa ganitong uri ng usapin. Sa ngayon ay naka-focus muna sila sa huling pamamaalam sa kanilang ina.
Kung pagbabasehan ang mga legal na usapin tungkol sa isang kapamilyang nawala lalo sa mga katulad nina Ms. Susan Roces na maraming properties ay hindi malabo na may iniwan itong last will and testament para sa kanyang mga anak.
Marahil ay gagawing pribado na lamang ng mga naiwang pamilya ni Ms. Susan Roces ang usapin patungkol dito.
Higit sa mga naiwang yaman nito at ari-arian mas mahalaga pa rin ang mga naiwan nitong mga ala-ala at aral sa dalawa nitong anak na sina Sen. Grace Poe at Lovi Poe at maging sa kanilang buong pamilya.
News
Kris Aquino suffers from lupus flare fever, shows visible spine: ‘My now’
Kris Aquino. Image: Instagram/@krisaquino Kris Aquino revealed her “pain and struggle” amid suffering from lupus flare fever for over two weeks…
Kahit Nahihirapan Na! Kris Aquino Gumawa Pa Rin Ng Sulat Na Ikinabigla Ng Lahat
Kris Aquino is currently suffering from her illness at talaga namang nagpapahirap sa kanya. Lalo na’t galing mismo dito…
Janine Gutierrez Nagsalita Na Sa Viral Video Nila Ni Jericho Rosales Na Naghahalikan!
Si Janine Gutierrez, isang kilalang aktres sa Kapamilya network, ay nagbigay-linaw sa mga bali-balitang kumakalat na naghalikan sila ni…
Vice Ganda Ibinuking Si Kim Chiu Sa Bago Nitong Lovelife!
Kamakailan lamang ay binuking ng It’s Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang co-host na…
Sassa Na-Realize Na Hindi Siya Perpektong Tao Matapos Makaharap Si Marian Rivera
Ibinahagi ng social media personality at aktres na si Sassa Gurl ang kanyang naging karanasan at mga natutunan nang…
Janice De Belen at Vanessa Del Bianco Dawit Sa Panghuhugot ng Asawa Ni John Estrada!
Lumilikha ngayon ng ingay sa social media ang sunod-sunod na makahulugang Instagram stories ng misis ng aktor na si John…
End of content
No more pages to load