Si Karylle Yuzon naman ang naha-hotseat ngayong araw sa It’s Showtime sa kanilang panibagong segment na Expecially For You
Ang nasabing segment ng It’s Showtime ay patungkol sa mag-ex couple na susubukan ng Showtime hosts na pag-aayusin.
Samantala, hindi naman nakaligtas si Karylle sa naging pagbibiro ni Vice Ganda dahil mag-ex ang tema ng kanilang segment.
Biniro ni Vice Ganda si Karylle na kung may ex ba siyang single na nangangailangan ng tulong. Hindi na pinatapos ni Karylle si Vice Ganda at ipinahayag niyang wala dahil masaya na ang lahat ng kanyang mga ex.
Hindi pa rito natapos ang pag-aasar ni Vice Ganda at iba pang Showtime family kay Karylle Yuzon. Ginatungan pa ni Vhong Navarro ang pagbibiro ni Vice Ganda at tinanong kay Karylle kung may celebrity edition ang kanilang segment ay sasali ba siya rito.
Tila na gets naman na ni Karylle ang pagbibiro sa kanya ng It’s Showtime Family kaya naman tawang-tawa na niyang sinakyan ito.
“Dahil dyan, please welcome…” pahayag ni Karylle.
Kaagad din namang nagbiro si Vice Ganda patungkol pagpapopromote.
“Subra ka naman, pero maari silang magpromote rito,” natatawang pahayag ni Vice Ganda.
Bagama’t wala namang binanggit na pangalan si Vice Ganda kaagad naman na gets ng mga madlang pipol na ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
May pelikula kasi ang mga ito na pino-promote ngayon na produced ng Star Cinema. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Karylle ang unang naging nobya ni Dingdong Dantes bago kay Marian Rivera.
Samantala, hindi na rin naman bago ang pagbibiruan nina Karylle at Vice Ganda patungkol sa kanilang past relationship. Maging ang nakaraan ng iba pang mga host ay napapag-usapan rin nila.
Sa kabilang banda, ipapalabas na sa mga sinehan ang comeback movie nina Marian Rivera at Dingdong na pinamagatang Rewind.
Matatandaan na nauna nang nilinaw noon nina Karylle at Marian Rivera na wala nang tensyon sa pagitan nila. Sa katunayan ay namataan pang nagbeso-beso ang dalawa sa isang event.
Kaya naman hinuha ng mga netizens na magiging maayos naman sakaling maging guest ng It’s Showtime sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
News
From Tears to Cheers: The Iconic Wedding of Christine Reyes and Marco Gumabao That Captivated the Nation
Ipinakita ni Christine Reyes sa publiko ang kanyang kamangha-manghang wedding gown sa isang hindi inaasahang okasyon. Kamakailan lamang, isang maganda…
Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!
Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng…
Rosanna Roces May Mensahe Sa Mga Fans ni Sharon Cuneta!
Hindi napigil ng dating aktres na si Rosanna Roces ang maglabas ng saloobin hinggil sa mga isyung lumutang matapos…
GF Ni Anthony Jennings Inaway Din Umano Si Daniela Stranner Dahil Sa Selos Relate Kay Maris Racal
Kumakalat ngayon ang isang video kung saan si Daniela Stranner, dating ka-loveteam ni Anthony Jennings, ay nagbigay ng pahayag…
Desiree del Valle recalls slapping Paolo Contis too hard on set back in the day: ‘Hindi niya kinaya’
Ibinahagi ng aktres na si Desiree Del Valle ang isang nakakatuwang kwento mula sa kanyang nakaraan, partikular ang isang…
Jake Zyrus Napikon Matapos Tawaging Charice at Pumanget Ang Boses Niya!
Hindi nagustuhan ng sikat na singer na si Jake Cyrus, ang pangyayaring kumalat sa social media ang kanyang pagkadismaya…
End of content
No more pages to load