Sa kauna-unahang pagkakataon nagbahagi ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor hinggil sa hindi niya malilimutang alaala noong kabataan niya.
Ibinahagi ni Nora Aunor sa presscon para sa pelikulang Pieta ang ilan sa kanyang mga naging karanasan noon. Isiniwalat ni Nora na dahil sa hirap ng buhay nila noon ay palaging sa kanya bumbagsak ang mga utos, kagaya na lamang ng pangungutang ng bigas dahil wala silang masaing.
“Na kapag…nu’ng minsang hirap na hirap na ako, halimbawa nangungutang ako ng bigas. Wala nang magpautang sa akin. Wala na kaming makain. Ala-una na, hindi pa kami nagsasaing. Wala pa kaming maisaing. So, yung mga kapatid ko na inutusan ng nanay ko, hindi rin gumagalaw. So, ako na ang gumalaw. So, lahat ng tindahan, yung mga bigasan, walang magpautang sa akin. So, ang inaano ko, yung pinakahuli naawa,” pagbabahagi ni Nora.
Doon naisip umano ni Nora na kapag siya naman ang magkaroon ay hinding-hindi niya ipaparanas sa mga lumapit sa kanya ang naranasan niya.
“So, du’n ko nasabi, sabi ko… dahil sa mga taong yun na pinahirapan din ako, sabi ko, ‘Balang araw, kapag ako nagkaroon, ipinapangako ko na hindi ko gagawin yung ginawa ninyo sa akin!’ Kaya siguro naman, sumobra lang ngayon. Sumobra lang. Kaya suma tutal, pulubi pa rin ako hanggang ngayon. Dahil konting…may mga lalapit, last money ko na… maaawa ako, ibibigay ko pa. Kinabukasan, ako ang maghahanap ng pera para pambili ng ganito, pambayad sa ganito. Iyon po ako. Ako po yun,” saad ni Nora.
News
Kris Aquino suffers from lupus flare fever, shows visible spine: ‘My now’
Kris Aquino. Image: Instagram/@krisaquino Kris Aquino revealed her “pain and struggle” amid suffering from lupus flare fever for over two weeks…
Kahit Nahihirapan Na! Kris Aquino Gumawa Pa Rin Ng Sulat Na Ikinabigla Ng Lahat
Kris Aquino is currently suffering from her illness at talaga namang nagpapahirap sa kanya. Lalo na’t galing mismo dito…
Janine Gutierrez Nagsalita Na Sa Viral Video Nila Ni Jericho Rosales Na Naghahalikan!
Si Janine Gutierrez, isang kilalang aktres sa Kapamilya network, ay nagbigay-linaw sa mga bali-balitang kumakalat na naghalikan sila ni…
Vice Ganda Ibinuking Si Kim Chiu Sa Bago Nitong Lovelife!
Kamakailan lamang ay binuking ng It’s Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang co-host na…
Sassa Na-Realize Na Hindi Siya Perpektong Tao Matapos Makaharap Si Marian Rivera
Ibinahagi ng social media personality at aktres na si Sassa Gurl ang kanyang naging karanasan at mga natutunan nang…
Janice De Belen at Vanessa Del Bianco Dawit Sa Panghuhugot ng Asawa Ni John Estrada!
Lumilikha ngayon ng ingay sa social media ang sunod-sunod na makahulugang Instagram stories ng misis ng aktor na si John…
End of content
No more pages to load